Updates KSA: 10 Pinay na biktima ng Road Traffic Accident sa Riyadh-Taif Highway. Walang patay at walang kritikal!

Share this:

Updates KSA: 10 Pinay na biktima ng Road Traffic Accident sa Riyadh-Taif Highway. Walang patay at walang kritikal!

Pumunta si Ustadz Mahrad Cabilocan Bugso (Patnubay) sa Al Quwaiiyah General Hospital kung saan nakaconfine ang isa sa sampung Pinay na biktima ng road traffic accident, para beripekahin kung totoo ba ang napabalita sa mga Arabic News.

Totoo na may aksidenteng nangyari sa sinakyang bus ng 10 Pinay workers sa Riyadh-Taif Highway. Pero hindi totoo na may namatay at hindi rin totoo na may kritikal ang kalagayan

Nakausap mismo ni Ustadz Mahrad si Evangeline (40 y/o) ang tanging worker na naiwan at nagpapagaling pa sa hospital dahil may fracture ang kanyang binti.

Ang walong (8) workers ay nasa Riyadh na dahil na-discharge sila kaagad ng hospital. Ang isang worker ay nagpa-iwan para magbantay kay Evangeline.

Bumiyahe ang sampung (10) workers mula Jeddah papuntang Riyadh para sa bagong job assignment ng kanilang company. Subalit, ilang oras na lang sana at makakarating na sila ng Riyadh, ay nangyari ang aksidente.

Ang dalawang workers ay nagsabi kay Ustadz Mahrad na mali yong lumalabas na kwento sa mga Arabic News na may isang (1) patay at may isang (1) kritikal sa sampung workers. Ang totoo ay buhay sila lahat at walang kritikal sa kanila.

May mali man sa kwento na lumalabas sa mga Arabic News, ang mahalaga sa atin ay ligtas ang sampu (10) nating kababayan. Alhamdulillah!

Maraming salamat sa ating KaPatnubay na si Ustadz Mahrad Cabilocan Bugso at sa Dawah Islamic Center ng Al Quwaiiyah na laging handa umaksyon kung may mga kababayan tayo na nagkakaproblema sa Al Quwaiiyah.

Nangako naman si Labor Attaché Nasser S. Mustafa ng POLO Riyadh na tatawagan niya ang company ng sampung (10) Pinay para hihingan sila ng report tungkol sa nangyaring aksidente at updates tungkol sa kalagayan ng mga workers.

Aming dasal para sa kay Evangeline na maging matagumpay ang operasyon sa kanyang binti, at sa siyam na kanyang kasamahan na sila lahat ay nasa mabuting kalagayan. Allahuma Ameen!

Patnubay Note:

Dumadami ang Online Arabic News websites na nagsulat ng maling kwento.

Related Article

KSA: 10 Pinay biktima ng Road Traffic Accident sa Riyadh-Taif Highway. Isa ang patay at isa naman ay kritikal

Share this: