Video: Pinay nanghold-up sa isang money exchange shop sa Abu Dhabi, arestado!

Share this:

Inanunsiyo ng General Command ng Abu Dhabi Police ang pagkakadakip sa isang Pinay na nanghold-up sa isang money changer shop sa kanilang siyudad.

Nagsuot ng abaya, nakatakip ang mukha at ulo, sumugod ang Pinay sa isang money changer shop at nanutok ng baril sa mga staff.

Madaling rumespunde ang owtoridad at nahuli si kabayan. Napag-alaman na ang baril ay isang laruan lamang. Ang Pinay ay isang illegal stayer sa Abu dhabi at kaya umano naisip niyang manghold-up ay kailangan nya ng pera pambayad sa 140 thousand dirhams na utang.

Share this: