Opinion: Swab Testing & Quarantine for Returning OFWs

Share this:

Matapos i-announce ni DOH USec Vergeire noong October 19, 2020 na ang mga Returning Overseas Filipinos (ROFs) ay hindi na ire-require na mag-undergo ng Swab Testing at Mandatory Quarantine kung sila ay Asymptomatic at nagmula sa mga bansa na considered as “may Low & Medium COVID-19 prevalence”, iisa na ang katanungan ng lahat lalo na dito sa Kaharian ng Saudi Arabia – May Swab Test at Quarantine pa ba o wala pagdating natin ng Pilipinas? Marami ang nagsasabi na wala na at marami din ang nagsasabi na meron pa kaya tanong ng madlang people – Ano ba talaga?

Nakailang messages na po ako sa DOH, sa DFA at sa ating Embahada sa Riyadh, partikular sa ating Mahal na Ambassador sa KSA H.E. Adnan Alonto pero wala pa lahat silang tugon dahil tila sila mismo ay naguguluhan.
Sa aspeto ng pagiging Asymptomatic ay malinaw po iyon para sa lahat pero sa katanungan kung kasama ba ang Saudi Arabia, pati na din ang mga karatig-bansa tulad ng UAE, Qatar, Kuwait, Oman at Bahrain sa mga bansang itinuturing na may Low & Medium COVID-19 prevalence?

Doon po sa WHO (World Health Organization) COVID-19 Dashboard
ay nasa pang-20 ang Pilipinas, pang-22 ang Saudi Arabia, pang-37 ang Qatar, pang-40 ang UAE, pang-43 ang Oman at pang-55 ang Bahrain.

Doon po naman sa CDC (Center for Disease Control & Prevention) List
ay kasama lahat sa Level 3: COVID-19 Risk is High ang mga nasabing bansa – Saudi Arabia, UAE, Qatar, Kuwait, Oman at Bahrain

Kaya dahil dito, mahirap pong sumang-ayon tayo sa mga nagsasabing wala nang Swab Testing at Mandatory Quarantine para sa mga ROFs, at nasa discretion na daw ng mga LGUs kung ire-require pa sila na mag-quarantine o hindi. Bukod pa diyan, patuloy pa din po namang pinaga-undergo ng Swab Testing ang mga ROFs (either thru BoQ’s free testing labs or thru private labs na may bayad pero mas mabilis ang resulta) at nagho-hotel quarantine pa din sagot ng OWWA.

Ang mga nabanggit po ay sarili ko lamang pananaw at nais ko lamang ibahagi para sa mga nagtatanong.

Maraming salamat po.

Romy Galvez
Kailan lang nag-ROF

Support Links

Related News and Timeline:

Share this: