Video: Kasal ng Pinay sa isang Turkish National

Share this:
Enero 25, 2021 sa Nizip District, Gaziantep’in Province, Turkey

Nagtagpo ang landas nina Chery Ann Tubo Garcia (26) at ang kanyang fiancé na si Ibrahim Halil Ozen sa Dubai. Si Garcia ay nagpasya na maging isang Muslim pagkatapos ng pagsasaliksik at pagaaral tungkol sa Islam sa mahabang panahon sa tulong ng Turkish national.

Isang mufti ang pumunta sa bayan ni Ozen para sa ‘shahadah’ o ang paghahayag ng paniniwala sa pagiging isa (tawhid) ng Diyos (Allah) at ang pagtanggap kay Muhammad (PBUH) bilang messenger ng Alah.

Ang piniling Islam name ni Garcia ay Nissa Nur. Nagbigay din ang mufti ng certificate of conversion at aklat tungkol sa Quran at sa buhay ng mga propeta.

Ang aklade ng Nizip sa Turkey ang nagkasal sa magkasintahan. Nagpasalamat ang alkalde kay Nissa Nur dahil sa kanyang pagbalik-Islam at binigyan sya ng Quran.

Sa kanyang pahayag matapos ang seremonya, sinabi ni Ozen na pinili ng kanyang kabiyak ang relihiyon ng Islam sa sariling kahilingan ni Garcia. Ani Nissa Nur, siya ay sobrang masaya nang magpasyang maging isang ganap na Muslim.

Kinumpirma ni Nissa Nur ang labis nyang kasiyahan at pananabik sa pagsisimula sa bagong yugto ng kanyang buhay.

Share this: