UAE: Pinay, nagising matapos ma-comatose nang siyam na buwan

Share this:

DUBAI, ika-6 ng Pebrero, 2017 – Isang 35-anyos na Pinay ay malaki ang pag-asa na tuloyan nang gumaling matapos na magising mula sa siyam na buwan na pagkacoma.

“Sumailalim siya ngayon sa physiotherapy habang tuloy-tuloy ang paggamot sa kanya.” ito ay pahayag ni Dr Zeyad Al Rais ang Head ng Critical Care Department ng Rashid Hospital sa Dubai, UAE.

Naadmit si Kabayan sa hospital noong Abril 2015, matapos siyang natagpuang walang malay sa banyo ng kanyang bahay.

Napag-alaman na ang dahilan ng kanyang pagkacoma ay intracerebral hemorrhage. Sumailalim siya sa isang operasyon para matanggal ang dugo na namuo sa kalamnan ng kanyang utak.

Pagkatapos ng siyam na buwan ay nagising siya. Patuloy ang paggagamot sa kanya at nag physiotherapy na siya ngayon para manunumbalik ang kanyang motor system.

Source: https://al-ain.com/article/a-patient-s-life-after-nine-months-of-coma-dubai

Share this: