Paraan para magcheck kung ang isang OFW sa KSA ay huroob (runaway/ undocumented/blacklisted)

Share this:

Ang nasanayan na paraan ng karamihan para magcheck kung ang worker ay isang takas or hindi ay thru Ministry of Labor (MOL) website, sa link na ito https://www.mol.gov.sa/Services/Inquiry/NonSaudiEmpInquiry.aspx

Gamit ang MOL website at ang google translate heto ang lalabas na results

1.  “Absent from Work” kung huroob/takas ang status.  

2.  “On the Job”  kung HINDI huroob/takas ang status.

3.  walang resulta naman kung undocumented or domestic worker. 

Advantage of using MOL WEBSITE

–  pwede makapagcheck kahit walang iqama dahil maari kang magsearch gamit ang passport number or border entry number. 

Disadvantages of using MOL WEBSITE

– Arabic at walang english ang page.. Kailangan mo pang gagamitan ng google translation o di kaya gumamit ng ng Chrome o ano mang browser na may setting for automatic translation.

– hindi pwede macheck ang domestic workers, (housemaids, house nurse, family drivers or ano mang trabaho sa bahay)

(note ang kasunod na paraan sa baba ay hindi applicable mula nang magkaroon ng absher. Sa absher hindi na makalogin ang nadeklara na takas at hindi din pwedeng magcheck ng status ng ibang iqama kung huroob ba o hindi)

Ang ituturo namin ngayon sa inyo ay ang isa pang paraan sa pagcheck kung ang isang OFW sa KSA ay huroob (runaway / undocumented/takas) ang status ; at ito ay thru Ministry of Interior Website (https://www.moi.gov.sa) at sundan lamang ang numbering ng graphic illustration namin at ang paliwanag namin sa baba.

1. pumunta sa website na https://www.moi.gov.sa and choose english language

2. click “Electronic Inquiries” Tab

3. click “MOI Diwan” Menu

4. click “Public Query Available Funds” Sub menu

5. Enter the Iqama Number to check in the Textbox labeled “Identity Number”

6. Enter the Image Code in the Textbox

7. Click “View” Button

then ganito ang magiging resulta

8a. Kung ang lalabas na resulta ay may nakasulat “The ID is invalid” , then ang worker na may-ari ng iqama number ay huroob/takas ang kanyang status.

8b. Kung ang lalabas na resulta may mga nakasulat na “Available Fund Details” at mga values in SAR, then ang worker na may-ari ng iqama ay hindi huroob/takas.

Ito ay aming isinulat para sa mga kapwa ofw na hindi pa alam ang ganitong paraan sa pagcheck ng iqama. Sana sa kaalamaan na ito na aming naibahagi ay mabawasan ng kunti ang mga messages sa aming inbox mula sa mga senders na nagtatanong kung nakahuroob ba sila or hindi. 

Drafted by 

Abu Bakr Espiritu for Patnubay Advocacy Group

Also posted in

https://www.facebook.com/PatnubayOnline/posts/1371074542942816:0

Share this: