Payong Pampubliko ng DFA: Kaugnay Sa Mga Hindi Lehitimong Passport Appointments na Inaalok sa Social Media

Share this:

DFA’S PUBLIC ADVISORY: ON PASSPORT APPOINTMENT OFFERS ON SOCIAL MEDIA

Public Advisory: On Passport Appointment Offers on Social Media

24 April 2021 – The Department of Foreign Affairs (DFA) informs the public that passport applications can only be made through the Department’s official appointment system at www.passport.gov.ph/appointment/. Senior citizens, persons with disabilities, OFWs and other qualified individuals may set their appointment using the courtesy lane facility by sending an email to oca.cl@dfa.gov.ph or to the email address of the nearest Consular Office (CO).

Kindly check the existing DFA advisories and local government units’ advisories on the implementation of community quarantine and for entry requirements before setting an appointment with a particular CO.   

The DFA reiterates that it does not use Facebook or any other social media network to offer or confirm passport application appointments nor it has authorized any company or individual to offer and accept passport appointment scheduling on the Department’s behalf.

Those who engage the services of these unauthorized private entities or individuals using social media accounts and networks run the risk of not getting an authentic appointment or issues with their passport application, aside from incurring additional expenses.

The public is strongly advised to ignore offers from these companies or individuals and to use only the official passport appointment system maintained by the DFA. END

****

Payong Pampubliko ng DFA: Kaugnay Sa Mga Hindi Lehitimong Passport Appointments na Inaalok sa Social Media

24 Abril 2021 – Pinapaalalahanan ng DFA – Office of Consular Affairs (DFA-OCA) ang publiko na isa lamang ang opisyal na online appointment system para sa pagkuha na pasaporte. Ang mga nangagailangan ng serbisyong ito ay maaaring bumisita sa www.passport.gov.ph/appointment/ para makagawa ng passport appointment. Ang mga senior citizens, mga taong may kapansanan, mga OFW at iba pang mga kwalipikadong indibidwal ay maaari namang matugunan sa courtesy lane, na makikita rin sa online appointment system o sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa oca.cl@dfa.gov.ph o sa email address ng pinakamalapit na Consular Office (CO). Tumingin sahttps://consular.dfa.gov.ph/transparency/co-directory upang makuha ang tamang email address.

Mangyaring alamin muna ang mga abiso mula sa DFA at sa LGU patungkol sa pagpapatupad ng community quarantine at iba pang entry restrictions bago mag-schedule ng inyong appointment.

Muling nagbibigay paalala ang DFA-OCA na hindi ito gumagamit ng Facebook o anumang social media sites para sa passport appointments. Gayundin, hindi pinahihintulutan ng DFA ang sinumang tao o kumpanya na mag-alok at tumanggap ng pag-schedule ng passport appointment sa ngalan nito.

Ang pag-tangkilik sa mga hindi lehitimong kumpanya o indibidwal sa pagkuha ng passport appointment ay maaring magdulot ng problema, tulad ng pekeng appointment o isyu sa passport application, bukod sa pagkakaroon ng mga karagdagang gastusin.

Muli, hinihikayat ng DFA-OCA ang publiko na huwag tangkilikin ang mga alok mula sa mga indibidwal at kumpanyang ito at gamitin lamang ang lehitimong passport appointment system ng DFA.

Maraming salamat.

Source: https://dfa.gov.ph/dfa-news/statements-and-advisoriesupdate/28891-public-advisory-on-passport-appointment-offers-on-social-media

Share this: