Noong mag-umpisa ang LRI noong March 14, 2021, nagpalabas tayo ng Articles tungkol sa step by step guide sa pagkuha ng Exit and Re-entry Visa para sa sarili at sa pagkuha ng Final Exit Visa para sa sarili.
Ang ating articles ay translation natin sa Arabic na User Guide para sa Labor Reform Initiative na pinalabas ng Ministry of Labor. Pero that time ang Visa Services para sa pagkuha ng visa sa sarili ay hindi pa available sa Absher.
Lagi natin inaabangan sa Absher kung kailan available ang nasabing services. Kahapon isa sa mga tagasubaybay ng Patnubay ang nag inform sa atin na available na sa Absher.
Nacheck natin at mayroon na nga.
Note: Huwag mag apply ng Visa kung wala naman kayong problema sa inyong employer na magbibigay ng Exit Visa. Mas mabuti pa rin na sila nag kukuha ng Exit Visa (Final man o may Re-entry) dahil may fees po ang pagkuha ng visa. At huwag pong subukan ang service na ito kung hindi ninyo naman kailangan ng Exit Visa.
Maglogin sa absher account sa desktop (PC), at pumunta sa Electronic Services, then sa My Services, then sa Passports, then sa Visa Requests at ito ang lalabas.
Scroll-down niyo lang ang page at makikita ang dalawang buttons.
Ang Isang button ay para sa pag-request ng Visa at ang isang button ay para makita ang status ng iyong request.
Katulad ng naipaliwanag natin noon, ito lang ang proseso
- Magapply ang worker ng Exit and Re-entry Visa o Final Exit Visa at may sampung (10) araw bago ito ma-approve.
- Makatanggap ang Employer o Company ng Text Message (SMS) na ang kanilang worker ay nag-apply ng Exit and Re-entry Visa o Final Exit Visa.
- Kung mayroon katanungan (o pagtutol) ang Employer o Company, ay maaaring dumulog sa Ministry of Human Resource and Social Development sa loob ng sampung (10) araw.
- Kung walang pagtutol ang Employer o Company pagkatapos ng sampung (10) araw, may limang (5) araw ang worker para kompletuhin ang proseso sa pagkuha ng kanyang Exit and Re-entry Visa o Final Exit Visa.
Note: Huwag mag apply ng Visa kung wala naman kayong problema sa inyong employer na magbibigay ng Exit Visa. Mas mabuti pa rin na sila nag kukuha ng Exit Visa (Final man o may Re-entry) dahil may fees po ang pagkuha ng visa. At huwag pong subukan ang service na ito kung hindi ninyo naman kailangan ng Exit Visa.
Maigi din na basahin ninyo ang nakasulat na Important Instructions at Conditions ng Absher para sa service na ito. Ganito po ang nakasulat sa Absher:
Important Instructions:
- After the day of submitting the visa request , please wait for 10 days period and after the completion of the 10th day you will have a period of 5 days to issue the visa before the request expiry .
- In case the business owner has objected against your visa request, the ministry of labor and social development will review the objection and take decision on it within the 10 days period (calculated based on visa request issuance date not on objection date).
- you will be always able to track the request status through this service.
Service conditions:
- The business owner and the worker should not be registered with the following statuses (Dead, Absconding or has istiqdam violation).
- All traffic violations against the worker should be paid.
- The worker should not be having an existing valid visa.
- The worker should be existing in the kingdom of Saudi Arabia at the moment of creating the visa request.
- The worker should has valid iqama and passport.
Special Conditions for Exit Re-entry Visa:
- Iqama validity should not be less than 3 months in addition to the visa duration.
- The determination of visa duration will be using “Return before” by inserting duration by days, the duration by days should not exceed 30 days.
- Visa fees should be paid before visa issuance.
- Agree to the stipulation of the service
Special Conditions for Final Exit Visa:
- The worker should not has a registered vehicle in the system
- Agree to the stipulation of the service.
Related Articles
- KSA: Ang Step by Step Process sa pagkuha ng Final Exit Visa para sa sarili
- KSA: Ang Step by Step Process sa pagkuha ng Exit and Re-entry Visa para sa sarili
- KSA: Ang Step by Step Process sa Pag-transfer ng worker sa bagong employer
- KSA: Anong alam natin sa ngayon tungkol sa LRI lalo na sa pagtransfer ng worker sa ibang employer at tungkol sa Qiwa platform?
- KSA: Official English Translation sa proseso ng Employer Transfer, Exit-reentry at Final Exit pagsapit ng Marso 14, 2021
- KSA: FAQ tungkol sa bagong proseso ng pagkuha ng Exit-Reentry Visa, Final Exit Visa at paglipat sa ibang amo na ipapatupad sa Marso 14, 2021
- (Patnubay Translation) KSA: Ang mga kondisyon at proseso para makalipat ng employer pagsapit ng Marso 14, 2021
- (Patnubay Translation) KSA: Ang EXIT-REENTRY SERVICE pagsapit ng Marso 14, 2021
- (Patnubay Translation) KSA: Ang FINAL EXIT SERVICE pagsapit ng Marso 14, 2021
- Good Read: Diskusyon tungkol sa napabalitang pagtanggal ng Kafala System sa KSA.