Good Read: Diskusyon tungkol sa napabalitang pagtanggal ng Kafala System sa KSA.

Share this:

Noong October 21, 2020 – nag-anunsiyo ang Ministry of Human Resources and Social Development (MHRSD) ng Saudi Arabia na sa 2021 ay i-aabolish na ang Kafala System.

May mga natutuwa lalo na yong mga hindi OFW at nasa labas ng Saudi Arabia. Mayroon pa nga nagsisigaw na dahil daw sa kaniya or sa kanila ay natanggal ang Kafala system ng Saudi Arabia.

Habang marami naman sa mga OFW na nasa Saudi Arabia ang nababahala na kung matatanggal ang Kafala System ay malaki ang posibilidad sila na ang pababayarin ng mga yearly fees tulad ng Iqama, Health Insurance, GOSI-OHB, Workers Tax at iba pa na kasalukuyang obligasyon ng employer sa kanyang worker.

November 4, 2020 – Nilinaw ng MHRSD na ang sinabing abolishment of Kafala System ay ang mga sumusunod:

  • Pagkakaroon ng Initiative to Enhance the Contractual Relationship between the workers of private sectors and their employers/companies kung saan napaloob ang mechanism sa pagkuha ng worker ng Exit/Re-Entry Visa, Final Exit Visa o ang paglipat ng worker sa ibang employer/company.
  • Maaring makakuha ng Exit/Re-Entry Visa at Final Exit Visa ang worker thru Abhser na hindi na kailangan ng approval ng employer pero malalaman pa rin ng employer dahil makakatanggap siya ng text message sa approved Visa na in-apply ng kanyang worker.
  • Ang pag-transfer ng worker sa ibang employer ay sa pamamagitan ng “Qiwa” platform ng Ministry. Maaring makapag-apply ng transfer ang worker na di kailangan ng approval ng employer kung mayroong 90 days na lamang na natira sa kanyang contract.
  • Dahil sa pinalakas na working contract, walang mangyayaring ammendment sa Labor Law, Social Insurance Law, at Cooperative Health Insurance Law.
  • Hindi kasama sa nasabing initiative ang mga sumusunod na limang (5) professions, ang domestic workers, private drivers, home guards, shepherds and gardeners o farmers.
  • Ang implementation ng Initiative to Enhance the Contractual Relationship ay sa March 14, 2021

Note: Ang English translation namin sa MHRSD’s Initiative to Enhance the Contractual Relationship ay ilalathala namin dito sa next article.

Nagpalabas na ang MHRSD ng kanilang paglilinaw sa nasabing Abolishment of Kafala System pero ito ay sa salitang Arabic pa lamang kaya maraming mga OFW sa Saudi ang patuloy na nababahala na sila na ang magbabayad sa mga yearly fees na kasalukuyang obligasyon ng employers. Marami din ang nagsasabi na hintayin ang guidelines o IRR. Patuloy naman sa pagsisigaw ang mga hindi OFW na nasa sa labas ng Saudi ng “victory, victory!” at sila daw ang dahilan kaya natanggal ang kafala system sa Saudi Arabia.

November 9, 2020 – Nagpost si Ka Lito Soriano (Patnubay Manila) sa kanyang FB Account tungkol sa issue. Hiniling ni Ka Lito ang opinyon ng kanyang mga kakilala. Isa ako sa kanyang mga na-tag at hindi tayo nagdalawang-isip sa pagsulat ng ating opinyon at nalalaman.

Nasa baba ang ang post ni Ka Lito at ang ating sagot sa kanyang post. Maganda itong basahin. Maraming salamat

Lito B. Soriano wrote    
November 9, 2020 

May nagmessage sa akin na OFW, currently employed siya sa Saudi Arabia.

Ito ang sinabi o concerns niya tungkol sa planong abolition ng Sponsorship (KAFALA) system sa private sector employers sa Saudi.

Ayaw ko po mawala ang Kafala system sa tulad namin OFWs kung kami ang magbabayad ng mga iqama fees, visa for exit and re-entry, accomodation, electric bills, health insurance, round trip tickets for vacation

Totoo ba ang kanyang fears o hinala. Ano ang sinasaad ng incoming reform removing sponsorship system para sa mga migrant workers sa Kingdom of Saudi Arabia?

Kayo, ano masasabi niyo?  Eli Mua, Charles Tabbu, Venecio Vano Legaspi, Rolando Carabeo, Joseph Abu Bakr Espiritu, Bitbo Busay Espinas, Muffy RD, Raquel Bracero,

COMMENTS

Joseph Abu Bakr Espiritu

For now ang issuance of Exit/Re-Entry (at Final Exit) Visa pa lang ang no need ng kafil.

Pero ang worker at employer ay bonded pa rin ng contract. In fact pinalakas pa ito.

Kung tatanggalin ang Kafala System, lahat ng sinulat mo Ka Lito may possibilities na mas malaki pa ang bayarin na workers tax or GOSI-ohb na maaring ipapa-shoulder na sa worker. Dahil sa sasabihin ng employer bakit ko babayaran yan eh anytime pwede na man akong alisan ng worker ko.

Take into consideration din na ma-lessen ang issuance ng working Visa para maghire sa labas dahil andito ang pooling ng workers. If mangyayari yan affected din ang recruitment business dyan.

May posibilidad din na damihan ang Tourist Visa dahil pino-promote na dito ang tourism. Pero maari yan pagsamantalahan na magpapasok or papasok dito with Tourist Visa pero ang purpose ay work.

May kaba din ang mga matatagal na workers dito na maapektohan ang ESB nila.

Lahat yan may posibilidad, kung kompletong tatanggalin ang kafala system.

But knowing KSA, di yan sila urada urada na gagawa ng changes (sa mga existing laws) na magkaroon ng problem sa isa or maraming sectors ng workers or employers. Kaya mabusisi nilang pagaaralan yan.

Kaya hintay tayo, magdasal tayo at maghanda na rin. 

Joseph Abu Bakr Espiritu

Kasalanan yan ng mga NGO or migrants advocate kuno na nagiingay sa labas ng KSA na kung may takas, undocumented or law offenders na di makauwi kaagad ay isisi sa Kafala System. Hindi nila tiningnan ang mas nakakarami na documented at masunurin sa batas.

(May government official din sa atin na sumisigaw ng “VICTORY”. Kesyo modern day slavery daw ang Kafala System. At siya daw ang dahilan pagkatanggal ng Kafala System sa Saudi well basahin niyang mabuti ang mga kasunod na comments para malaman nila kung tama ba ang pinag-eepal nya)

Marami din mga epal na Human Rights Group (kuno) sa labas ng KSA na wala namang alam sa totoong sitwasyon dito kundi ingay lang kaya hayan sinakyan na ang gusto nila na mawala ang Kafala System. 

Joseph Abu Bakr Espiritu

(Para sa mga nagsasabi na hintayin ang guidelines)

Anong guidelines? (Kung pag-abolish ng buo sa kafala system), hindi na man yan one time katulad ng amnesty (or pandemic). Law reforms kamo, Labor Law reforms ang gagawin dyan at maaring pati Social Insurance Law for GOSI OHB, or Cooperative Health Insurance Law na nakasaad na obligasyon ng employers.

(Hindi matanggal nang kompleto ang Kafala System, dahil maraming existing laws ang maapektuhan. Ang ginagawa ng KSA ay aayusin ang sistema ng contractual relationship between worker at employer) 

Joseph Abu Bakr Espiritu

(Also), FYI hindi kasama ang domestic worker sa pagtanggal ng Kafala System. Kaya yong mga grupo (GOs or NGOs) ng mga adbokit-adbokitan sa labas ng KSA na nagsisigaw ng victory, sa inyo ngayon nakatuon ang galit ng mas nakakaraming OFWs sa KSA na maayos sumunod sa batas at hindi nilalaro ang immigration law.

Sigaw kayo ng victory dyan, di ba ang dahilan ng pagrereklamo ninyo laban sa Kafala System ay dahil matagal magpauwi ng takas na karamihan ay kasambahay? So wag kayong sumigaw ng victory dyan dahil hindi kasama ang trabahong kasambahay sa mga matatanggal sa Kafala. Sus ginoo na lang, ang epal ninyo.

Joseph Abu Bakr Espiritu

If may failure kayo or delay sa pag-assist sa OFW, isisisi ninyo kaagad sa Kafala Ssytem. Kahit ang mga naabuso, narape, kafala laging tinuturo ninyo na dahilan kaya laging walang hustisya dahil ang solusyon (na alam lang ninyo) ay lagi pauwiin sa Pilipinas, at kung matatagalan sa pag-uwi Kafala System ang inyong sisisihin.

Lito B. Soriano

Ka Joseph Abu Bakr Espiritu please post here the link of Patnubay about Domestic Workers not covered by the abolition of Kafala System

Joseph Abu Bakr Espiritu

Salm Ka Lito B. Soriano here are the links

Joseph Abu Bakr Espiritu

Maaring hindi alam ng karamihan ito kaya maigi na isulat ko na rin dito na under the current regulation, may tatlong conditions na maaring makalipat ang worker na hindi kailangan ng consent ng kanyang Kafil:

Una (1) – expired or nawalan ng Business License ng Kafil (due to Nitaqat or some violations) at ang iqama ng worker ay expired na.

Pangalawa (2)  –  hindi nagpasahod ang Kafil sa kanyang worker ng 3 consecutive months na nakasaad sa Wage Protection System (WPS). Ang gagawin ng worker ay dumulog sa Saudi Labor. Ang WPS ang reason kaya mandatory na sa ATM ang sahod ng worker.

Pangatlo (3) – false reporting of huroob. Ang Kafil ay nagreport ng huroob / runaway sa kanyang worker na hindi naman tumakas or nag-AWOL.  Ang gagawin ng worker ay dumulog sa Saudi Labor kaagad.

Ang tatlong conditions sa taas ay malinaw na ang may kasalanan ay ang Kafil kaya tinanggalan sila ng MHRSD ng rights sa kanyang worker kung nais nitong lumipat sa ibang Kafil.

Kung wala ang tatlong violations na yan, ang regular process ng “nagal kafala” ang masusunod. which is magpadala ng demand letter ang gustong mag-hire ng worker doon sa Kafil at ang Kafil ay magbigay ng release letter, ang release letter ay may kapalit na bayad, usually refund sa expenses ng Kafil sa worker. such as Iqama, medical insurance, GOSI, workers tax. etc..

Now balik tayo doon sa sinasabing matransfer ang worker ng wala nang consent sa employer dahil tatanggalin na ang Kafala System. Kung ikaw ang Kafil, gagastus ka ba sa yearly fees ng Iqama, workers tax, medical insurance, GOSI at iba pa kung anytime ay pwede kang alisan ng worker mo na di mo malalaman?

Kaya ako nag-comment dito, una dahil sa side natin dapat mapaghandaan at matutukan (kung totoong maabolish ang kafala),  hindi yong sasabihin na hintayin ang guidelines at IRR. eh saka lang tayo magsalita kung huli na? (FYI, mayroon nang regulations na lumabas para paigtingin ang kontrata, yon na yong guidelines o IRR na hinintay ninyo. )

Pangalawa, nasusuka ako sa mga grupo ng NGOs or GOs or adbokit-adbokitan sa labas ng KSA na nagsisigaw ng victory dahil tanggal na daw kafala system sa KSA. Itong mga ito ang dati pang nagdidikta na tanggalin ang Kafala System. Ang rason lang naman nila ay kung may distressed na kasambahay, or law offenders ay matagal makakauwi dahil sa kafala system. Hindi naisip ng mga epal na ito, na mas maraming OFWs ang walang problema sa Kafala System. Sila yong nagtatrabaho ng maayos. hindi tumakas, hindi free lancer ang Visa, hindi gumagawa ng labag sa batas.

Fyi po ulit, hindi kasama ang kasambahay sa sinabing pagtanggal ng Kafala System.  Lahat ng profession or work na nakasulat na exempted sa Saudi Labor Law, Social Insurance Law at Cooperative Health Insurance Law ay hindi rin kasama kaya wag kayong sigaw sigaw ng victory victory dyan. epal kayo

Joseph Abu Bakr Espiritu

(Basahin ang balita na ito), malinaw dito na ang reason ng sinabing pagtanggal ng kafala system ay ang pressure ng mga Human Rights Groups sa labas ng KSA. Ito yong link

https://www.alnasr.news/…/%D8%A7%D9%84%D8%B9%D9%85%D9…

Joseph Abu Bakr Espiritu

sa kasalukuyang updates, ang mga takot na nakasulat sa post ni ka Lito B. Soriano ay hindi mangyayari kahit tatanggalin pa ang Kafala System dahil hindi naman completely detached ang employer at worker, dahil ang gagawin ay palakasin ang contractual relationship.

Few days ago, ang MHRSD nagkaroon ng “initiative to improve the contractual relationship” at ito yong nilalaman

The possibility of moving to another job after the termination of the work contract, without requiring the consent of the employer, but it is only sufficient for the worker to notify him within the specified period, which is 90 days before the end of the contract.

During the validity of the work contract, the worker may move to another job, but in this case it is required that he pay the penalty clause stipulated in the work contract, and agreed upon between the two parties.

In the event that the employer terminates the worker’s contract during the period of validity of the contract, he shall pay the penalty clause stipulated in the contract.

In the new system, absconding reports submitted by employers against employees who have stopped working are canceled, and they are replaced by another system that ends the worker’s contract.

In the event that the worker wishes to leave and return to the Kingdom of Saudi Arabia during the period of validity of his contract, he can do so without requiring the consent of the employer, but only electronic notification by the methods that will be covered by the system is sufficient.

After the end of the work contract, the worker can permanently leave the Kingdom of Saudi Arabia, once the employer is notified electronically, and he is not required to obtain the employer’s approval.

ito yong source link natin dyan https://hrsd.gov.sa/sites/default/files/5112020.pdf

Gagawa tayo ng English Translation sa pdf file na yan at ipopost natin sa Patnubay.

Joseph Abu Bakr Espiritu

Ano na naman ang isisigaw ng mga NGOs at adbokit-adbokitan ngayon nang malaman nila na hindi kasama ang kasambahay at hindi naman talaga detached ang worker sa employer dahil sa contract? sisigaw ba naman sila na “Abolish the contract!”. Deos meo kayo.

yan na yong pantapos ko .. maraming salamat sa mga nagbabasa.

Joseph Abu Bakr Espiritu

(Ay di pa pala ako tapos)

Tanong: Bakit mas madaling sisihin ng mga adbokit-adbokitan ang Kafala System kaysa ipaglaban ang hustisya ng mga naabuso?

Sagot: Dahil mahirap makauwi ang isang undocumented na walang approval ng Kafil. FYI, hindi lahat sa takas or undocumented ay naabuso ng Kafil.

Tanong: Bakit uwi sa halip na hustisya para sa mga naaubuso ang gusto ng mga nagsisigaw na tanggalin ang Kafala System?

Sagot: Dahil wala silang ibang alam na tulong kundi pauwiin. Mas mabilis at mas mabuti para may masasalubong sa airport at mag eepal na sila sa media na sila ang tumulong.

Yan (hustisya sana) ang dapat nilang inaasikaso, hindi yong sisihin ang Kafala System.  Por vida kayo…

Related Article

Share this: