Video: Mag-asawang Awstralyano nag-aalok ng 70,000 dollars sa Pinay na kanilang inaalipin ng tatlong taon

Share this:

Nag-aalok ng 70 thousand dollars ang mag-asawang Awstralyano sa isang Pinay na kanilang inakit na pumunta ng Australia at ginawang alipin sa loob ng tatlong taon.

Sina Sheila at Joshua McAleer ay naghihintay pa ng hatol sa kinasasangkutan na kaso, pagkatapos nilang mag plead-guilty sa maraming kaso.

Ayon sa biktima na hindi pinangalanan sa balita, inakala niya na ang pagpunta ng Australia ay magdudulot sa kanya ng magandang buhay. Sa halip, tatlong taon na pagdurusa ang kanyang sinapit sa mag-asawa.

Taon 2013, nang si Sheila Mclear ay kumuha ng tatlong buwan tourist visa para sa Pinay. Bawal sa Australia na magtatrabaho ang isang tourist visa holder. 

Sa pamamahay ng mga Mclear, bugbog sarado sa trabaho ang Pinay bilang tagalinis at taga-alaga ng mga anak ng mag-asawa. 

Taon 2015, pinapatrabaho din ang Pinay sa restaurant na pagmamay-ari ng pamilya, kadalasan ay walang sahod. 

Sinabi ng case prosecutor na si Jennifer Single sa korte na walang pera ang Pinay para pambili ng ticket pauwi sa Pilipinas at kahit pang-taxi lamang papunta sa airport. 

Takot na takot ang Pinay na umalis ng bahay, at kailangan niyang magpapaalam kung mayroon mang siyang gustong pupuntahan mag-isa. Pinagbabawalan siyang makipagkaibigan at pinayohan na gumamit ng peke na pangalan.

At kung magsabi ang Pinay na gusto na niyang umuwi ng Pilipinas, tinatakot siya mag-asawa na mayroon silang mga kakilala na mga police na handang mananakit sa kaniyang pamilya.

Sa salaysay ng biktima, inilarawan niya si Shiela McAleer bilang napakalupit. Alam ng Pinay na siya ay inaalipin pero wala siyang kapangyarihan, wala syang magawa at kahit sa pagsasalita.

Nang ang Pinay ay makawala sa bahay ng mag-asawa, ang mga McAleer ay naghire pa ng private investigator at pinagbabantaan ang kanyang pamilya sa Pilipinas.

Kahit limang taon na siyang nakalaya sa pang-aalipin ng mag-asawa, sinabi ng Pinay na takot na takot pa rin siya sa kanila. 

Ang mag-asawang Shiela at Joshua McAleer ay sesentensyahan ngayong Hunyo, ng pagkakakulong na maaaring umabot sa sampung taon.

Share this: