UPDATES: Pinay sa Kuwait na nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng toilet cleaner, NABISITA NA NG TAGA POLO AT EMBAHADA noong MAYO 20 pa

Share this:

Ito ang updates sa article natin kanina tungkol sa isang Pinay kasambahay sa Kuwait nagtangkang magpakamatay ang isang kasambahay na Pinay sa pamamagitan ng pag-inom ng likido para sa paglilinis ng kubeta.

Noong Mayo 20, 2021 pa nabisita ng ating mga taga POLO at Embahada sa Al Amiri Hospital si Kabayan. (Hindi tama ang Arabic News na kahapon lang nagising si kabayan dahil sa photo noong May 20 ay gising na si Kabayan.)

Sya yung worker sa news article. Nakausap sya ni AS Richard, eto ang initial info… 2years mahigit sya sa employer, February 2019 dumating. Entire service walang sahod at maltreated. kinalbo rin kasabwat ang pinay na katulong din. Canadian-Egyptian ang employer na babae na separated sa asawa. Last sort nya due to depression, uminom ng “flush disinfectant”. Pina watchlist na po namin ang sponsor niya.nag file na din tau ng letter sa AMALA to blocklist the sponsor and claim the unpaid salaries.Inaasikaso po ng agency ang worker.Naka confine pa din po sa hospital si worker.

Patnubay Notes: Maraming salamat sa dalawang “ACTION MEN” natin sa Kuwait na sina Amba Dino Lomondot at Labatt Nasser Mustafa, at ang staff ng POLO at ANS ng ating embahada.

Related Article: Kuwait: Pinay na nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng toilet cleaner, inabuso umano ng amo sa loob ng dalawang taon.

Share this: