VIDEO: ISANG DIABETIC, PINUTOL ANG MGA DALIRI NG SARILING PAA DAHIL WALANG PERA PARA PAMPAOPERA

Share this:

Setyembre 14, 2021 – Lumabas sa Youtube Channel na Mike Renejane Nacua ang video tungkol sa kwento ni Tatay Pablo Polancos Villamor. Ayon sa Video Description, lumapit ang kapatid ni Tatay Pablo, sa programa nina Mike na Charm Radio,

Si Tatay Pablo, 61 anyos, at nakatira sa Mc Arthur Highway, Brgy Zone 1, Digos City ay may sakit na diabetes.

Taon 2019 isang doktor ang nag-opera para maputol ang kanang binti ni Tatay Pablo.

Ngayong taon 2021, nang nagkaroon ng impeksyon ang mga daliri sa kaliwang paa ni Tatay Pablo, siya na mismo ang pumutol sa mga ito dahil wala siyang pambayad sa pagpapaopera.

Ang pagbebenta ng tuba lamang ang tanging kabuhayan ni Tatay Pablo. Ito rin ang bumumuhay sa kanyang anak at apo.

Nanawagan si Tatay Pablo sa mga may mabubuting puso na mabigyan ng tulong pinansyal para sa pang-araw araw na pangangailangan at para sa pambili ng gamot na maintenance para sa kanyang sakit.

Sa mga nais tumulong, maari ninyong kontakin si Mike Nacua sa mga sumusunod na links

Share this: