Setyembre 27, 2021 – Nakakulong sa Singapore si Rose Magtanong Gozar, isang Pinay domestic worker dahil umano sa pagdura at paglagay ng “toilet water” sa inuming tubig ng pamilya na kanyang pinagsilbihan.
Isinuli lang sana ng kanyang employer si OFW Rose sa kanyang recruitment agency, dahil sa paggamit ng mga mamahaling facial cream ng amo, nang walang pahintulot.
Napansin umano ng amo na laging may bawas ang kanyang facial cream. Kaya, naglagay sya ng mga CCTV at doon niya nahuli ang kanyang kasambahay.
Sa opisina ng recruitment agency, sinabi umano ni OFW Rose na kanyang dinuduraan ang inuming tubig ng pamilya na kanyang pinagsilbihan. Sinabi niya rin na maraming beses din na tubig mula sa palikuran ang nilagay nya.
Depensa ng abugado ni OFW Rose, siya ay inaabuso at laging pinapatrabaho sa iba’t-ibang bahay. Kinuha din umano ng amo ang kanyang cellphone at di sya sinahuran ng dalawang buwan. Ang sagot ni Judge Ng Peng Hong kay OFW Rose, “Kung mayroong pang-aabuso, mayroon mga proper channel para idulog ang reklamo, at hindi sa pamamaraan na katulad nga ginawa mo”
Patnubay Note: Magpadala tayo ng sulat sa DFA at DOLE, para mabigyan ng patuloy na legal assistance si OFW Rose ng ating embahada at POLO sa Singapore.
Sources of Story: