Nakakabahala na may isang TV Show sa US (No-Go Zones – World’s Toughest Places) na nagpalabas ng documentary video (noong Hunyo 13, 2021) tungkol sa laganap na krimen sa Quirino District, Quezon City.
Nakakainis na ipinagmamalaki pa ng mga taong gumagawa ng labag sa batas ang kanilang ginagawa. Nakalantad ang kanilang mga mukha at ang kanilang pinaggagawa, katulad ng pagbebenta o paggamit ng droga, panghoholdap, prostitusyon at iba pang krimen. Nakalantad din ang mukha ng nagpakilalang bounty hunter.
Hindi natin alam kung ito ay scripted lamang, pero dapat itong imbestigahan ng ating pamahalaan at dapat hulihin ang mga tao na ito kung totoo ang mga krimen na kanilang ginagawa, at inaamin sa documentary video.
Maaring naka block ang video link at hindi ma-view kung nasa Pilipinas. Pero madali lang sa ating NBI na maview kahit naka block na YouTube videos.
Nasa baba ang documentary video.