Video: Saudi Driver Nagsuli ng 7000 Saudi Riyals sa Pinay na pasahero

Share this:

Nobyembre 15, 2021, Lumabas sa Sayyidaty Program ng Rotana Channel ang kanilang interview kay Mohamed Kharmi, tungkol sa kanyang pagsumikap na maisuli ang 7000 Saudi Riyals sa isang Pinay na pasahero.

Sa panayam, binigyang diin ni Kharmi na napakahalaga para sa kanya ang Amana (honesty), at ang Amana ay dapat tungkolin ng bawat mamamayan.

Ayon kay Kharmi, nakaapat na biyahe na siya sa araw na iyon at ang pang-apat na pasahero ang nakakita sa wallet at ibinigay ito sa kanya. Sinuri niya ang wallet at may laman itong 7000 Saudi Riyals.

Pagkatapos niyang maihatid ang huling pasahero, nag-umpisa na siyang hanapin ang may-ari ng wallet. Tinawagan niya ang mobile number na nakita niya sa wallet at isang Pinay ang sumagot, na nagkompirma na siya ang may-ari ng wallet.

Labis daw ang pasasalamat ng Pinay at napaluha pa ito sa sobrang tuwa nang maibalik sa kanya ang kanyang wallet at ang lahat ng laman nito. Humiling ang Pinay na magpicture sila ni Kharmi para kanyang mapasalamatan sa Facebook, at pumayag naman si Kharmi.

Nasa baba ang video at link sa interview ng Sayyidaty Program kay Mohammed Kharmi. Nasa baba din ang screenshot ng pasasalamat ni Laine Ruiz sa kanyang FB Account.

Link: https://www.youtube.com/watch?v=zjp63Pe05PA
Share this: