Video: Isang Pinay at isang Hapones pinarangalan sa Japan dahil sa pagligtas ng 2-anyos na bata

Share this:

Nobyembre 29, 2022 – Nagpadala ang pulisya ng liham ng pasasalamat sa dalawang tao na na nagligtas sa isang 2 taong gulang na batang lalaki na nawala sa lansangan ng Kasuga City, Fukuoka Prefecture noong hatinggabi noong ika-9 ng Nobyembre.

Nakatanggap ng liham pasasalamat ang Pilipinang si Mary Jane Mariano (49) at ang bumberong Hapones na si Yuya Ishida (19) mula sa Kasuga Police Station.

Ulat ng Reporter sa Video:

Ang lugar kung saan nasagip ang bata, may maraming mga sasakyan na dumadaan, at ang bangketa ay napakakitid at mapanganib.”

Bandang 1:00 a.m. Nobyembre 9, nagmamaneho si Mariano sa kalsada sa Shimoshiramizu Kita, Kasuga City, nakita niya ang isang 2-taong-gulang na batang lalaki na naglalakad mag-isa sa kalagitnaan ng gabi, at agad niya itong tinawag.

Mary Jane: “Anong meron? Naligaw ka ba? Nasaan ang nanay mo?”

Pagkatapos ay tumakbo ang bata kay Mariano, umiiyak.

Mary Jane:: “Medyo giniginaw (yung bata), kaya kumuha ako ng kumot sa kotse, ibinalot ko sa bata, at hawak-hawak ko siya palagi.”

Umalis ang bata sa bahay nang di namalayan ng kanyang ina, nakawala, at naglakad sa kalye mga 300 metro ang layo.

Si Mary Jane:, na walang mobile phone, ay nagtanong kay Ishida, na nagkataong dumaan, at inulat ang insidente.

Ang bata ay ligtas na protektado ng pulisya at inihatid sa kanyang ina.

Mary Jane: “It was really good.

Binigyan ang dalawa ng liham ng pasasalamat bilang pagkilala sa kanilang mga nagawa.

Mary Jane: “Ginagawa ko lang ang normal para sa akin. Ako ay masaya.”

Mr. Ishida: “Siyempre nag-iisa ang bata at walang mga magulang, kaya gusto kong tumulong.”

Bilang tugon sa mga aksyon ng dalawa, sinabi ng pulisya, “Nais naming pasalamatan ang naaangkop at mabilis ninyong pagtugon at pagpoprotekta sa bata mula sa mga insidenteng ganito at mga aksidente na pwedeng mangyayari.”

Video:

Share this: