Limang Pilipino Inaresto sa Riyadh Dahil sa Pagnanakaw at Pagdadala ng Shabu

Share this:

Limang Pilipino Inaresto sa Riyadh Dahil sa Pagnanakaw at Pagdadala ng Shabu

Inaresto ng Riyadh Region Police ang limang residente na pawang mga Pilipino dahil sa pamamasok at pagnanakaw sa mga bahay. Nasamsam mula sa kanilang pag-iingat ang mga nakaw na gamit, personal na kagamitan, at ipinagbabawal na gamot na methamphetamine (Shabu).

Kasalukuyang nakadetine ang mga suspek at sinimulan na ang mga legal na proseso laban sa kanila. Sila ay inirefer na sa Public Prosecution para sa karampatang aksyon.

Nanawagan ang Public Security sa lahat ng mamamayan, residente, at mga bisita na agad iulat ang anumang insidente na may kaugnayan sa seguridad o mga emerhensiya sa pamamagitan ng pagtawag sa 911 sa mga rehiyon ng Makkah, Madinah, Riyadh, at Eastern Province, at 999 naman sa iba pang bahagi ng Kaharian.

Tinitiyak ng awtoridad na ang lahat ng ulat ay ituturing na lubos na kumpidensyal at ang taong nag-ulat ay hindi mananagot.


Source: https://x.com/security_gov

Photo: https://x.com/security_gov/status/1959241674460127344/photo/1

Video: https://x.com/security_gov/status/1959241868870349180

Share this: