Mission Accomplished! Patnubay’s Operation: Help OFW Alfredo Salmos

Share this:

Clearance para sa sasakyan ni OFW Alfredo Salmos

Mission : To Clear the Car Registration Records of OFW Salmos and Send him Home.

Once again napatunayan natin na ang kakulangan sa kaalaman ang dahilan ng mga problema ng mga OFWs. Ang puno’t dulo ng problemang ito ay yong hindi alam ni Mr. salmos na dapat iclear ang sasakyan kahit na-impound na. At ang kakulangan sa kaalaman naman ng karamihan, maging sa ating mga tauhan ng ating konsulada, sa proceso kung papano resolbahin ang mga ganitong kaso.  Sa tulongan natin napatunayan ni Mr. Salmos na napakadali lang pala ng kanyang problema na kung alam nya lang na ganito lang pala ang gagawin ay noon pa sana sya nakauwi.

Maiintindihan natin kung kulang sa kaalaman si Mr. Salmos sa proceso dahil hindi naman sya katulad sa atin na kabisado ang mga batas at proceso dito.. Pero ang hirap tanggapin na walang alam ang ating consulada sa pagresolba ng mga simpleng problemang katulad nito na nailapit sa kanila last March 2011 pa. Or talagang sadya bang pinatagal or mga tamad lamang or wala sa puso ang pagtulong at nakalimutan ang pinanumpaang tungkulin na dapat tulongan tayong mga OFWs.

In all fairness to Congen Garibay, I have strong hope sa kanya na mapabago nya ang mga ugali ng mga tauhan ng ating consulada. Ang kaso ni Mr. Salmos ay napakasimple lamang kung tutuusin.

Maging aral din sana ito sa ating gobyerno na may baguhin sa kanilang proceso bago magpapadala ng mga tauhan dito or maghire ng mga local hire para magtrabaho sa konsulada or embahada. Yong may puso at hindi yong mga feeling-royal na gustong titingalain. At maging aral din ito sa mga grupo at indibidyuwal na mahilig sa padrino system at gusting palaging makadikit sa kung sino ang inakala nila ay may kapangyarihan

Cheque donation ng mga kasamahan ni Manong Fred sa trabaho, na maari nyang ma-encash pagdating sa Pilipinas.

And once again, napatunayan natin na ang principles of servanthood at volunteerism, ang bayanihan ng mga kasamahan natin sa Patnubay ay epektibo. At hindi madali na sa 72 servant leaders sa exclussive group na ito ay nahold natin yong mga information. Although alam ko na minsan hindi maiwasan may mga pasaring tayo na masabi sa tagalabas. Dahilan na minsan may mga time na may mga sagabal sa ating nilalakad at nakadelay ng isang araw dahil hinatak ng iba si mr. salmos sa lugar na wala namang mangyayari… (Katulad na lamang ng pagsabi na isang linggo malutas ang kanyang problema)

And once again, napatunayan natin na ang tuwid na daan kung susundan mo lang kahit ilang sagabal pa dyan; ay yan pa rin ang pinakamadaling paraan para malutas ang problema.

Personally, nagpapasalamat ako kay Ka Romy Carbonel who did the legworking from start to finish, kay Ate Arceli, ka frank na pinaabot itong problema ni Mr. Salmos sa atin. Again kay ka frank Resma at Ka Romy Carbonel for the finale. Kay Ate Susan Ople and Ople Foundation, Ka Ronnie Abeto, Kay Ka Kenji, Ate Minda, Ate Ellene Sana, Sa lahat ng kasamahan ng Patnubay maraming salamat.

Recommendation ng Emara to Muror to Clear Mr. Salmos’s Car Records (matched with the number of our transaction stub)

Maraming maraming salamat kay Prince Mishaa’l governor of Jeddah, sa taga Muror al Salemia at sa Company ni Mr. Salmos. at higit sa lahat ang Allah, nangyari ito lahat dahil sa kanya.

You may wish to add all the other individuals or groups who you know ay tumulong din kay Mr. Salmos, pakilagay na lang sa comment nyo sa baba. God bless you all always.

Naawa ako kay Mang Fred hindi lang dahil sa kanyang kalagayan kundi dahil sa panggamit ng marami. Kumakalat na yong picture nya nakahubad at parang ginamit pa ng iilan para magpapicture.

Sana hindi na maulit ito.. Kung gustong tumulong , tutulong pero bigyan naman sana ng dignidad ang tao. May mga grupo din na nagclaim na sila ang tumulong kahit hindi. Ang nakakalungkot ay may mga nagsolicit pa ng mga donations para sa kanya na hindi nya alam. At yong kulang nya sa pahinga dahil kahit sino ang tatawag dahil pinakalat na rin ang kanyang mobile number sa internet. At may mga tao at grupo din na basta na lang sya kukunin at isasama kung saan saan para may maibabalita at maipagyabang. Oo distress yong tao, nangangailangan ng tulong.. pero respetuhin naman natin sya bilang tao.. bigyan natin ng dignidad.

Basta tayo dito ay tahimik lang na gumagalaw at dahil sa bayanihan natin, nalutas ang tunay problema ni Mr. Salmos.  Mission Accomplished!

Kung papano natin ito ginawa, heto ang mas detalyado.

Link:   https://docs.google.com/open?id=1BDWGtKj3r0jzT_g-w4NorUx6M6_YoExfzkBJgrZ0FQlHQQIuMNKt2sjTIWlZ

Thanks to everyone,
Patnubay Advocacy Group

Hindi natin hangad na sisiraan ang ating konsulada, mga indibidyuwal or grupo. Ang tanging hangad lang natin ay masabi ang katotohanan na may mga mali at maiparating natin sa kanila kung ano ang tama. Hangad lang natin ang pagbabago.

Related Links

 

 

Share this: