Patnubay Leaks 2012: Dalawang Domestic Workers nakalusot papuntang Saudi kahit may Ban; Naabuso!

Share this:

Patnubay Online’s Phone Interview with  OFWs Jovita Ang and Jocelyn Bagaoisan 

Sa halip na uunahin ang pag-iisip kung papano pa pagkakitaan ang mga paaalis na mga OFWs, ano kaya kung aayusin muna ng ating gobyerno ang kanilang trabaho para maiwasan ang mga problemang katulad nito?
 – Patnubay Online
(Note: nasa email at comment exchanges sa baba ang buong detalye)
From: Albert Valenciano
Date: 2012/6/18
Subject: Re: Request for Urgent Assistance for Jovita Ang and Jocelyn Bagaoisan (Domestic Workers in Riyadh deployed from PH this year 2012)
To: “Joseph Henry B. Espiritu”

Will contact them tonite. Tried calling this a.m. but phone keeps on ringing. I left SMS. We take note of their address at Abdullah al Rashid St., Rawdah 2 (exit 12)
Labatt Abet

From: Joseph Henry B. Espiritu
To: Albert Valenciano

Sent: Monday, 18 June 2012, 6:59
Subject: Re: Request for Urgent Assistance for Jovita Ang and Jocelyn Bagaoisan (Domestic Workers in Riyadh deployed from PH this year 2012)

Dear labatt,
the workers texted me last night at sabi nila ay wala daw tumawag sa kanila from POLO / embassy.
thanks
joseph

– cross-posting starts here –

From: Loreto Soriano
Date: 2012/6/18
Subject: Re: Request for Urgent Assistance for Jovita Ang and Jocelyn Bagaoisan (Domestic Workers in Riyadh deployed from PH this year 2012)
To: “Joseph Henry B. Espiritu”

thank you ka joseph

2012/6/18 Joseph Henry B. Espiritu

Dear ka lito,

i will contact  jocelyn bagaoisan tonight re your request..

this case is very easy to solve since there are obvious violations sa agency sa atin at sa agency dito… sa technicalities na lang malakas na ang laban ng mga workers.. how much more pa if mapatunayan na ang visa ay for room attendant talaga.

I hope the polo will contact the recruitment agencies (both in Philippines and their counterpart dito) today..  It is so easy nga maliban na lang kung may lapses na naman sa verfication ng POLO kaya nagkaganito.

nasa baba pala yong sagot ni labatt.. ito lang po muna and God bless you always,

joseph

PS : ka roland will interview labatt about this case

From: Loreto Soriano
Date: 2012/6/18
Subject: Re: Request for Urgent Assistance for Jovita Ang and Jocelyn Bagaoisan (Domestic Workers in Riyadh deployed from PH this year 2012)
To: “Joseph Henry B. Espiritu”Joseph,
Kindly get additional info on Ms. Jocelyn Bagaoisan…. distant relative ko pa ata.  I want to help in what ever way..
BR.
Lito

– cross-posting ends here –

From: Albert Valenciano
Date: 2012/6/16
Subject: Re: Request for Urgent Assistance for Jovita Ang and Jocelyn Bagaoisan (Domestic Workers in Riyadh deployed from PH this year 2012)
To: “Joseph Henry B. Espiritu”

Dear Mr. Espiritu,

We will assist the workers.
ALBERT Q. VALENCIANO
Labor Attache

From: Joseph Henry B. Espiritu
Date: 2012/6/16
Subject: Resending: Request for Urgent Assistance for Jovita Ang and Jocelyn Bagaoisan (Domestic Workers in Riyadh deployed from PH this year 2012)
To: Albert Valenciano, Ezzedin Tago , rafael seguis , Roussel Reyes , ebrahim zailon
Cc: boyetquinagutan, ellene sana , Susan Ople, anna liza navarro , Rhodora Abano ,  “Loreto B. Soriano” , roland blanco , Zhariya Silvestre Camid-Alamada, ronnie abeto , jay ebora , Robert Jade Sangil, “Sec. Linda Baldoz” , HANS CACDAC

Dear Labatt Abet,

May we request for the assistance of POLO for OFWs Jovita Ang and Jocelyn Bagaoisan whose case details  are written below.

May malinaw po na violations ang kanilang agency sa pagpapadala ng katulong sa Saudi Arabia kahit may existing ban .  Ang violations na yan ay maaring gayahin ng iba pang recruitment agencies or baka ay ginaya na ng marami. Maari din naang violations ay nasa employer sa pamagitan ng paggamit ng ibang visa na hindi para sa katulong.

Ang mga naturang violations ay pwedeng gamitin para maiahon ang dalawang ofws sa malaimpyerno este mala-baboy na situation

Maraming Salamat at gumagalang
joseph

Jovita Ang

41 years old
pangasinan
mobile: +966xxxxxxxx

Jocelyn Bagaoisan
36 years old
valenzuela

kailan kayo dumating : February 9, 2012
agency : jafsas agency manpower, 602 jallandoni building salas street ermita mabini
contact person and number : 09184xxxxxx
red wings maintenance contracting co. pobox 1380 tel number 026081444
may agency kayo dito? green back international manpower

anong name ng employer : (intentionally removed by patnubay)

totoo ba na sinaktan kayo ? 
hindi po ako ang sinaktan itong kasama kong si jocelyn.. dalawang beses hinatak ..

may mga pasa ba si jocelyn ?
 wala namang pasa sir dahil ingat sila na hindi magkapasa.
ang tinutulogan namin ay yong bodega, sa basement, walang cr walang kwarto.  kung gusto naming magbawas, ay ilagay nyo na lang sa plastic. ang ihian namin galoon n mineral water.. kinabukasan na namin itatapon

bakit ?
  nakapadlock kasi nilalock nila yong pintuan ng maindoor kaya di kami pwede magcr doon sa wash room.

nasa labas kayo ng bahay ? 
nasa loob kami ng bahay nasa basement nga kami.

wala bang cr sa loob ng bahay ?
 meron po pero hindi kami pwede gagamit doon magagalit po sila.
so, yong washroom nasa labas ng bahay at nandon ng cr nyo pero kung gabi hindi kayo makapunta doon dahil sinarado yong main door? opo.
(papano kung wala ng plastic bag, papano kung wala ng galoon ng mineral water. papano kung puno na ang salop?)

sahod .. walang problema? 
wala naman po binigay naman po

magkaano ba ang sahod? 
900 sr.

paano kayo nakapasok sa saudi arabia , eh banned naman ang domestic worker ?
 hindi naman namin alam na banned yon sir, basta nag-apply lang kamin

ano ang nakalagay sa visa nyo?
 ang nakalagay sa visa namin ay room attendant.

yan ba ang nakalagay sa passport nyo ?
 yan po ang nakalagay sa dokumento na hawak namin. hindi po namin ang alam ang nakalagay sa passport..

ano pa ang problema ?
 kamay namin puro sugat na po..

bakit ?
 sa trabaho po.

first timer ba kayo ?
 opo

Gusto nyong umuwi? 
 release or transfer. ?  kung pwede kami mairelease sir at magpatransfer.. transfer na lang kami. pero kung dito lang kami sa amo na ito mabuti pa ay umuwi na kami.

Anong oras pwede kayo pwedeng matawagan ng taga – POLO?
 mga alas dose po ng gabi..

Saan kayo ngayon?
  sa riyadh, rawdah2 .. abdullah al rashid street exit 12

How we learned about this case ?

in Patnubay Online Fan Page on June 15, 2012 :

  • Taga Bundok Kuh
    • gandang araw poh sir/mam…me mga kabayan poh tumawag s isa nming ksamahan s trabaho n humihingi ng tulong dhil minamaltrato sila ng kanilang amo dto s riyadh saudi arabia…e2 poh ang # nila…. +966xxxx  …salamat poh…
  • Patnubay Online
    • okay yetz.. we will call them.
  • Taga Bundok Kuh
    • salamat poh…
  • Patnubay Online
    • nakausap ko na yetz. will update you later.
  • Taga Bundok Kuh
    • salamat poh….sana m ayos n klagayan nila..
  • Patnubay Online
    • anong email mo yetz para may kopya ka sa request for assistance natin sa embahada. napakadali nitona problema dahil malinaw ang paglabag ng agency sa existing ban ng mga domestic workers.
  • Taga Bundok Kuh
    • boyetquinagutanxXXX.…uo nga sir/mam lam kung nka ban ang pag ppdala ng dh dto..
Share this: