January 7, 2013, 10:58AM, Baha, KSA – naaksidente po ang ating kasamahan sa Patnubay na si Romeo “Ka Romy” Carbonell at kanyang kasama sa trabaho. Safe naman si Ka Romy pero ang kanyang kasamahang Pilipino ay nasa kritikal pa na kalagayan.
Pagkatapos ng assignment nila sa Al Baha ay bumiyahe sila papuntang Taif. Dumaan sila sa isang blind curve nang may tumawid na isang camel at aksidente nila itong nabundol. Ang kanilang takbo ay nasa 80kph lamang. Safe naman sina Ka Romy at kanyang kasamahan at maging ang camel ay buhay din. Lumabas sila ng sasakyan para tatawag ng pulis.
Pagkatapos ay tumawag din si Ka Romy sa kanilang manager para sabihin na naaksidente sila at ipaalam na okay lang silang dalawa. May mga motorists na tumigil na rin at lumabas sa kanilang sasakyan para aalalay kena ka Romy.
Nang kausap ni Ka Romy ang kanyang manager, ay narinig na lamang nila ang tunog ng brake ng sasakyan (isang pickup) mula sa kanilang likuran. Unang tinamaan ang kasama ni Ka Romy at tumilapon ito sa kanya, bumagsak silang dalawa sa kalsada. Tumama din ang naturang sasakyan sa ibang sasakyan na unang tumigil para umalalay.
Nakita ni Ka Romy ang kanyang kasama na nakaibabaw sa kanya at may sugat ito sa ulo. Dinala sila sa Hospital ng Al Baha para mapagamot. Sa ngayon nakalabas na si Ka Romy sa hospital pero nanatili sya sa Baha para alalayan ang kanyang kasama ay nasa kritikal pa na kalagayan.
Hiniling namin ang inyong dasal para kay ka romy at sa kanyang kasamahan. Maraming salamat….
Minomonitor ng Patnubay ang kasong ito at aalalay tayo kung makita natin na ang kanilang karapatan ay hindi maprotektahan ng maayos.
