PANIBAGONG ABISO TUNGKOL SA LOST PASSPORT SERVICES PARA SA MGA “ABSCONDED” O TAKAS NA MANGGAGAWA
(RIYADH, ika-27 ng Mayo 2013) – Patuloy ang pag-conduct ng Embahada ng “Lost Passport” services sa consular field office nito sa International Philippine School of Riyadh (IPSR) para sa mga “absconded” o takas na manggagawa, kasama na rito ang mga nagtratrabaho sa employer na hindi nila orihinal na sponsor.
Ang consular field office na ito sa IPSR ay bukas hanggang Martes, ika-4 ng Hunyo 2013 lamang.
Dahil sa napakaraming manggagawa na nais makakuha ng “lost passport” services, kinailangan ng Embahada na gawing salitan ang pag-asikaso ng mga babae at lalake, ayon sa sumusunod na schedule:
Lunes, 27 Mayo 2013 – Mga lalaki lamang.
Martes, 28 Mayo 2013 – Mga babae lamang.
Miyerkules, 29 Mayo 2013 – Mga lalaki lamang.
Sabado, 1 Hunyo 2013 – Mga babae lamang.
Linggo, 2 Hunyo 2013 – Mga lalaki lamang.
Lunes, 3 Hunyo 2013 – Mga babae lamang.
Martes, 4 Hunyo 2013 – Mga lalaki lamang.
Bukod dito, magsisimula na ng mas maaga ang consular field office para mas agarang matulungan ang mga manggagawang Pilipino na nais magpa-“lost passport.” Ang bagong oras ng consular field office sa IPSR ay alas-9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, araw-araw maliban sa Huwebes at Biernes.
Ganunpaman, 300 na aplikante lamang ang kayang asikasuhin ng Embahada sa bawat araw.
Pinapaalala ng Embahada ang mga requirements para sa “lost passport”:
Application Form (na libreng makukuha sa International Philippine School-Riyadh).
Kopya ng nawalang pasaporte (o di kaya’y numero ng nawalang pasaporte kung ito’y inyong naaalala).
Affidavit of Loss (na makukuha sa International Philippine School-Riyadh).
Bayad:
SAR 460.00 kung ang nawalang passport ay green (MRP) o maroon (MRRP)
SAR 700.00 kung ang nawalang passport ay maroon na may chip (e-Passport)
Hindi na kailangan ang “police report” o “Jawazat report” para sa consular field office na ito.
Ang International Philippine School of Riyadh (IPSR) ay matatagpuan sa 011 Mamar Al-Burtuqaal St., Haya Malik Fahad District, Riyadh. Malapit ito sa likuran ng Riyadh Gallery Mall. (END)
EMBASSY
Diplomatic Quarter
Ummayah Abu As-Salat Street
P.O. 94366, Riyadh 11693
Fax (96611) 488-3945
TEL 482-3559 , 482-0507,
482-1577
Email:
rype@riyadhpe.com
Website:
www.philembassy-riyadh.org
Philippine Consulate in Jeddah
HOTLINE 055-5219-613
www.pcgjeddah.org
CONSULAR SECTION
FAX : 488-3945
TEL: 482-3816
help-consular@riyadhpe.com
ATN SECTION
482-4354, 480-1918,
help-atn@riyadhpe.com
www.facebook.com/philembassyriyadh
PHLEmbRiyadh
Labor Attaché / OWWA
(Riyadh)
FAX 483-2204
Phones 483-2201 to 3
MOBILE 054-591-7834
polo-riyadh@riyadhpe.com
Labor Attaché / OWWA
(Eastern Region)
TEL (013) 894-1846, 894-2890
MOBILE: 0501269742
polo-eastern@riyadhpe.com