You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

HAGIT: Ang Tunay na OFW Community

HAGIT: Ang Tunay na OFW Community
First Posted in Facebook.com
Last June 17, 2014

Pasasalamat at Papuri sa Nag-iisang Tagapaglikha dahil binibigyan Nya tayo ng puso at isipan para sa kabutihan, katotohanan, katarungan at pagkamakatarungan.

Ang listahan sa baba ay ang kinilala nating Tunay na OFW Community.

Hindi sila yong mga grupo na kumikita sa mga nakulekta na fees mula sa mga members na napaniwala nila na kung magkaproblema ay protektado dahil malakas ang kanilang grupo sa embahada. Hindi sila yon!

Ang nasa listahan natin ay walang intention para sa sarili. Sa halip sila ang humuhugot mula sa sarili nilang mga bulsa para makakatulong sa OFW na nangangailangan. 

Hindi sila yong mga nagclaim na community leaders kuno na makikita mo lang sa mga party kung may libreng pakain sa embahada kung may okasyon. Hindi sila yon!

Ang nasa listahan natin ay sila ang nagpapakain sa mga distressed sa Bahay Kalinga, sa Esteraha , sa shelters at sa ibang lugar kung saan may distressed OFW; dahil palaging kinulang ang budget ng ating gobyerno para sa pagkain ng mga distress.

Hindi sila yong mga inimbitahan para lamang may audience at para magmukhang matalino ang taga-gobyerno na bibisita dito; dahil sa mga walang kwentang katanungan na sinasabi ng mga nagclaim na community leaders kapalit ng pagphoto-ops ng inakala nilang makapangyarihan na bibisita dito. Hindi sila yon!

Ang nasa listahan natin ay hindi sasama sa mga leader-leaderan dahil may mga dangal silang iniingatan na masisira lamang kung mapapasama sila sa mga mapagkunwari at mapag-ako. Sila ang tunay na makapagsabi sa totoong kalagayan ng mga OFW kung may pagkukulang man ang ating gobyerno o wala. Kung pagbibigyan sila ng pagkakataon ay kahihiyan lamang ang aabutin ng taga-gobyerno na kanilang makakausap.

Hindi sila yong mga leader-leaderan na makikita lamang kung malapit na ang eleksyon at may mga politiko na naghahanap ng supporta ng mga grupo-grupohan. Hindi sila yon.

Ang nasa listahan natin ay nakikita nyo araw-araw kung saan may mga OFW na may problema. Hindi sila alipin sa sariling isipan dahil may mga prinsipyo sila. Hindi sila maaring gagamitin at hindi sila manggagamit ng kapwa. Hindi sila mapang-api at lalong-lalo na hindi sila mga tuta!

Hindi sila yong mga nagki-claim na bayani awardee katulad ng mga sumali at nanalo sa mga patimpalak na palakasan lamang ng backer at pagkatapos ay idinikit na ang salitang “bayani awardee” o “bayani nominee” sa kanilang mga pangalan para maiangat ang sarili, para makamang-api ng kapwa gamit ang inakala nilang kapangyarihan at kanilang mga padrino kuno. Hindi sila yon!

Ang nasa listahan natin ay mga taong tahimik, ayaw nilang makilala pero kilala sila ng mga OFW na nangangailangan dahil sila ang palaging tumutulong at lumalaban para sa karapatan ng mga naaping OFW. Hindi sila nagyayabang, hindi sila nag-aangat ng kanilang mga sarili kundi kapatid ang kanilang pakikitungo sa kapwa OFW. Kababawan para sa kanila ang pagsali ng mga patimpalak dahil para sa kanila ang kabayanihan ay nasa puso at isipan ng mga taong natulongan.

Saksi ang Patnubay sa napakalaking tulong na kanilang nagawa para sa mga OFW. Sila ang tunay na OFW Community na hindi kayang hawakan o pigilan nang kahit kanino man… kung kabutihan at pakipaglaban sa karapatan ng mga OFW ang pag-uusapan. Atin silang pasasalamatan. Alam namin na napakarami pang mga katulad nila at ating dasal na magkakilala at magkaisa din tayo balang araw. Para mabigyan na natin ng tuldok itong paghari-harian ng mga mapagkunwari at mapag-ako.

Sa muli, kami po ay nagpapasalamat sa mga sumusunod.

1. THURSDAY GROUP
2. RANNIE BASANTA
3. LARRY
4. RIYADH ELITE DANCERS (RED)
5. FARM NI RIC AT MARK
6. REDEN SAURI
7. RELY OF MEREK
8. KA RODEL
9. KEATON FLORES REYES & NESTOR EDERA
10. FILIPINO DENTIS (FDK) HEADED BY: DOC. ODETTE
11. CRAZY BLACK BOOTY 447 ( BEYLUXE)
12. ALBERT
13. MAGED
14. MARITES TORREDONDO HAMILTON
15. MILLETH VILLANUEVA
16. GEORGE PONTINO JR.
17. SCOUT ROYALE BROTHERHOOD
18. BASSER MAYO FAMILY
19. BING AND CHERRY
20. MONCH TORRES
21. FILSAVE
22. WIDAYANTE
23. DONALD ESCOBANA
24. NELSON & LIZA DEVERA ( KIM’S BDAY)
25. JOEL LUMADIA
26. YABE GROUP
27. RODULFO GANZON
28. ONE IN CHRIST ( OIC)
29. MRS & MRS PEREZ & FRIENDS
30. CFC-CFT ( HEADED BY RODEL )
31. CAMERADERIE PHOTOGRAPHY
32. Pete Torres of IIEE, Integrated Institute of Electrical Engineers (Riyadh chapter)
33. RIYADH NIGHTS
34. ALPHA KAPPA RHO ( RIYADH CHAPTER )
35. TAU GAMMA PHI ( RIYADH CHAPTER )
36. DR. ABDURASAK ABDULLAH
37. DEO & DONG ARABIS
38. LARRY ORIEL ULAN
39. A AND R FAMILY AND FRIENDS
40. CATABAS FAMILY
41. JOEL MOBILY
42. HERLY AND FAMILY
43. OUR CHRIST IS WONDERFUL MISSION MINISTRY INTERNATIONAL ( OCWMMI RIYADH )
44. ALGOSYDE
45. AL-GOSAIBI COMPANY
46. ULC GROUP
47. Fidel Castillo
48. JILC I CARE
49. UNITED OFW
50. Hilario Rayan de Castro
51. Nouh Martin and Coffeeshine
52. OCWMMI
53. Samaritan Group
54. Mr. and Mrs. Guinto
55. PAG-ASA – Aringay Group
56. Hilario “Rayan” de Castro
57. Pexman
58. Blas Ople-Center
59. Lito B. Soriano / LBS Recruitment Solutions Corporation
60. Isama na rin si Ka Jun Aguilar ng FMW Group,
61. krizzy blak bote 447 biloks
62. QULANTROS.
63. Rick and Mark Mercado of Merex Cargo Forwarders
64. AL HAIR BIRD PHOTOGRAPHY
65. Samahang Batangueno Qatar
66. SMPII Dubai
67. CROWN Family,
68. ABC Group
69. Mr. & Mrs. Rudy Almodiel.
70. Filipino Employees of Al Fanar Co.
71. Laguna Lakers Cargo Forwarders
72. Filvar
73. Samaritan,
74. Kadribols,
75. Yan YAn De Guia
76. Dr. Clemente Ermitanio, Company’s Physician of ABV Rock.
77. Delta Water Company
78. Mr.& Mrs. Jun Bequin
79. Security Forces Hospital- OPD Staff
80. Boholano Community in Jeddah
81. ISLAM – ISIP
82. IKHLAS (Islamic Knowledge for Humanity and Livelihood Association)
83. ACFIL
84. ALAB – BOLOGNA
85. International Community Group – KSA
86. Sultan Battal
87. Nely Cacayan
88. Tropang Gising – Jeddah
89. PEBA, Inc. (Pinoy Expats/OFW Blog Awards)
90.Dawah Islamic Center Second Industrial,Riyadh
91.Dawah Islamic Center, Batha, Riyadh
92.Dawah Islamic Center, Rawdah, Riyadh
93.Dawah Islamic Center, Badea, Riyadh
94. Dawah Islamic Center, Deerah, Riyadh
95.Dawah Islamic Center Yanbu
96.Dawah Islamic Center Al Ahsa
97.Dawah Islamic Center Dammam
98.Patnubay Friends and Partners – Jeddah
99.Patnubay Friends and Partners – Riyadh
100.Patnubay Friends and Partners – Eastern Province
101.Patnubay Friends and Partners – Abu Dhabi
102.Patnubay Friends and Partners – Kuwait
103.Patnubay Friends and Partners – Qatar
104.Patnubay Friends and Partners- Libya
105.Patnubay Friends and Partners- Lebanon
106.Patnubay Friends and Partners- Aseer Region
107.Patnubay Friends and Partners- Al Ahsa
108.Patnubay Friends and Partners- Malaysia
109.Patnubay Friends and Partners- Libya

Hats off to you silent servant leaders and humble heroes ..

– Patnubay Online

Related links

  1. HAGIT: Ang “Bayani” at “Lingkod-Kapwa” ay mga Banal na Salita
  2. Servant Leaders – Self Evaluation
  3. Servant Leadership Explained
  4. Patnubay’s List of Servant Leaders (2013)