Sa June 2018, Dapat sa ATM na ang Sahod ng mga Kasambahay sa Saudi Arabia

Share this:

By June 2018, after Ramadhan, the monthly salary of HSWs sa KSA (new hire or luma) will be in their ATM na, the standard contract must be in the musaned system na rin.

Mandatory ito ng.MLSD (Ministry of Labor and Social Development) na kung di magcomply ang employer ay magbayad sya ng penalty na 20 thousand SAR. Kaya since last month kara-kara ang mga employers sa pagkuha ng atm at pagregister sa musaned.

Ginawa ito para mamonitor ng MLSD ang monthly salary ng worker thru musaned and banks kaya mawala na yong disputes ng sahod. Also, Since ang national address ay mandatory na sa may.bank accounts madali na rin malocate ang worker.

Sa mga hindi pa nakasagot sa ating survey or gusto baguhin ang kanilang dating sagot noong wala pa silang atm. Ito ulit ang ating katanugnan.

1. Ang iyong mga sahod ba ay sa ATM na matatanggap?
2. Hawak nyo ba ang ATM?
3. Wala bang problema kung gusto nyong magwithdraw ng pera?
4. Hindi ba mahirap sa inyo ang magpadala ng pera sa inyong mga pamilya?

Kung sakali wala pa kayong ATM, pagsabihan nyo ang mga amo ninyo, na dapat kunan na kayo ng atm. at dapat magregistered sila sa musaned dahil malaki ang penalty ng Ministry of labor and social development sa mga employers na di magcomply nito.

ATTENTION: Para naman sa mga OFW na may mga kasambahay dito sa KSA, obligado din ninyong kunan ng ATM ang inyong kasambahay at dapat magregister din kayo sa Musaned. May penalty sa mga hindi magcomply before deadline.

1. Ginawang mandatory ang ATM para matanggal na yong kadalasan na disputes ng employer at worker sa sahod. 
2. Thru musaned system naman ay malalaman kaagad ng MLSD / musaned kung delay ang pasahod ng employer 
3. And since ang National Address ay mandatory na rin sa mga may bank accounts, hindi na rin mahirap ilocate ang worker kung mayroong problema.

Abu Bakr Espiritu

Related Article
Survey Para Sa Mga Household Service Workers ng Saudi Arabia

Also posted Patnubay Online FB Page

Reposting and Updates:By June 2018, after Ramadhan, the monthly salary of HSWs sa KSA (new hire or luma) will be in…

Posted by Patnubay Online on Tuesday, April 24, 2018
Share this: