69 anyos na Pinay sa Jordan pinatay. Ang suspek ay isang 49 anyos, na Pinay din

Share this:

Nakakalungkot na balita. isang 69 anyos na Pinay sa Jordan pinatay. Ang suspek ay isang 49 anyos na Pinay din

Ayon sa ng embahada ng Pilipinas sa Amman na naghihintay sila sa mga resulta ng imbestigasyon sa katapusan ng linggong ito.

Ang 69-anyos na Pinay na biktima ay naiulat na napatay ng kapwa Pinay, 49 anyos sanhi ng isang mainit na pagtatalo habang nasa apartment ng biktima.

Ayon sa Embahada, ang biktima ay naninirahan sa Jordan ng higit sa 20 taon. May mga kwento na kumakalat na ang biktima ay may asawang Jordanian pero wala pa sila umanong nakitang katibayan na magpapatunay na totoo ito.

Kaya, minarapat ng ating Embahada na ipaalam sa pamilya ng biktima ang insidente para maitanong na rin sa kanila kung ipapauwi ba ang katawan sa Pilipinas, o ililibing ba sa Jordan.

Ayon sa balita mula ng Jordan Times – Noong Sabado (Agosto 25, 2018), natagpuang patay ang biktima na may mga pasa sa kanyang katawan at mga palatandaan ng pag-aaway sa kanyang apartment.

Pagkalipas ng tatlong araw, inihayag ng pulisya ang pag-aresto sa isang babae, na kakilala sa biktima at umamin na pinaslang niya ang biktima sanhi umano sa isang mainitang na pagtatalo.

Sa unang salaysay umano ng suspek ay ang asawang lalaki ng biktima ang salarin ngunit hindi naniniwala ang mga imbestigador dahil may mga “loopholes umano sa kanyang salaysay” at sa karagdagang pagtatanong ay inamin umano ng suspek na siya ang pumatay sa biktimang kababayan.

Ang mga opisyal na nakipag-ugnayan sa The Jordan Times noong Miyerkules ay tumanggi na ibunyag kung paano nila napagpasyahan na ang kaibigan ng biktima ay ang punong suspek, dahil umano sa “security secrecy”.

Ang suspek ay nakakulong sa Juweideh Women’s Correctional and Rehabilitation Center na naghihintay ng karagdagang pagsisiyasat.

Nag-umpisa na umano ang criminal court prosecutor sa pagtatanong sa suspek at mga testigo tungkol sa insidente para mapagpasyahan kung anong mga antas ng parusa ang ipapataw sa akusado kung mapatunayan na siya ay guilty sa pagpatay sa kanyang kababayan.

Share this: