Patnubay Leak 2017: The Eduardo Anzano Maestrado Story

Share this:

PANALO NI OFW ED ANZANO MAESTRADO PANALO PARA SA LAHAT NG MGA OFW!

OFW MULA AL KHOBAR, KSA NANALO LABAN SA KANYANG AGENCY.

ANG HATOL, PINAPABAYAD ANG AGENCY NG 25,000SAR FOR UNPAID SALARIES & UNEXPIRED PORTION OF THE CONTRACT PLUS 50,000 PHP PARA SA NOMINAL DAMAGES.

9:24AM
JULY 3, 2017
Zed Anonaz Odartseam
Galing ako ng NLRC Davao sir wala pang update kung nareceive na ng agency ang decision.  Dapat with 10days sa paka recieve na di sila mag appeal, magfile na kami dito ng motion for execution of judgment. ipapasherif na sila para magbayad.

Anyways hindi ko talaga makakalimotan ang binigay na tulong at hindi talaga ako pinabayaan.. Simula nung nag kaso ako sa ministry of labor laban sa aking amo sa saudi, anjan sya/sila.. Hangang sa umabot na sa hnuhulin na ako ng mga police anjAn sila.. Dumating sa puntong nakulong na ako ng ilang buwan anjan padin sila..sir joseph/jhong/ka ronnie Hangang sa aking kinakain at pamasahe ay malalke ang kanilang nai ambag.. Nung mga panahong parang nawawalan na ako ng pag asa anjan sila nakasubAybay sakin.. Laging nagpapaalala.. 

Naway pagpalain kayo ng dyos..! At sanay magpatuloy ang inyong magandang hangarin na makatulong sA mga nangangailangan.. Nagpapasalamat talaga ako ng lubos sayo sir joseph at sa inyo sir jhong.. At  ki kuyA ronnie.. 

At sa lahat ng membro at nag buo ng grupong ito.. PATNUBAY.. maraming salamatttt,,,,! GOD BLESS YOU ALL

edz cover2.jpg

ARRIVAL IN THE PHILIPPINES REPORT
10/09/2016 1:59AM

Zed Anonaz Odartseam

Sir goodmorning Nasa owwa ako ngayun dito sa pasay pumunta ako ng sa poea waoang opis kaya tumuloy ako sa owwa para sa sheltrer wala kasi akung kakilalang malapit dito sa manila. Ang problema ayaw nila akung lumabas na.. Kasi under custody nadaw ako ng owwa.. Pagka pumunta daw ako ng poea i discharge daw nila ako dito ni tulong ng owwa dina ako mabibigyan

Patnubay Online

Magkaso ka sa agency mo? Punta ka sa office ng  NGO partner namin. 

Zed Anonaz Odartseam

San opis nyo sir?

Patnubay Online

Center for Migrant Advocacy
15 (Unit 7) CASAL Bldg.
Anonas Road, Project 3 Quezon City 1102
Telephone: +632 990-5140  Telefax: +632 433-0684

REPATRIATION REPORT

10/07/2016 2:09AM

Zed Anonaz Odartseam

Mga sir maraming salamat sa mga tulong sa wakas at awa ng dyos makaauwi nadin ako  bukas napo flight ko.. Maraming salamat sa mga chokalte at spatos.. Sir jhong sr joseph maraming salamat sa inyo saa patuloy padin aying umalalay sa mga distressed ofw

Sana wala ng hustle ang uwi ko

LABOR / HUROOB CASE CLOSURE REPORT

07/22/2016 8:54PM

Zed Anonaz Odartseam

Mga sr kunusta na.. Sir joseph pupunta ba sila dito sa khobar? Edz pala to sir.. Dipa din ako nakauwi

Na hack na kasi yung dati kung fb

Patnubay Online

anong updates sa yo. di ba may desisyon na edz?

Zed Anonaz Odartseam

Meron na sr kinasuhan kasi ako ng run away sir

Patnubay Online

then di ka na ba nag-apela?

na yong pagkaso ng runway ay late kesa pagfile ng case sa saudi labor office

Zed Anonaz Odartseam

Kaya nga sir nag apila an ako nagbhearing kami last week kaso di umattend amo ko may hearing nanaman sa aug 10

07/24/2016 11:17PM

Zed Anonaz Odartseam

Sir pupunta na ako ng police bukas.. Diko alam kung anong kaso nanaman kakaharapin ko..

Sabi kasi ng general court di daw talaga ako ma eexitan hangat diko na clear ang kaso ko

Patnubay Online

nasaan ang kopya ng desisyon mo zed?

07/25/2016 2:09PM

Zed Anonaz Odartseam

Disesyon sa court sir?
Andito sa akin sir.

Patnubay Online

Akin na. 

From: Joseph Henry Espiritu 

Date: 2016-04-27 10:15 GMT+03:00

Subject: Re: Urgent SOS EDUARDO ANZANO MAESTRADO JR ( 0549383957) – Eastern Province – KSA

Dear Dir. Obet

salam, sir maraming salamat for your usual prompt response..

dear ka marcia.. 

what case number do you mean? case number ng labor office? or polo, or how about case number ng jawasat? 

yes eduardo has a case number sa saudi labor office at matagal na syang nagrequest sa polo for subsistence allowance.. active pa ang insurance nya noon. 

kawawa naman ang ofw dahil sa irresponsableng polo ay nawala na ang subsistence allowance nya.  or di natin alam nairequest na yan at naibulsa na.

ang taong ko ulit. sa subsistence allowance ba need ba ng maifile ito sa saudi labor office?  kasi yon ang palaging palusot ng polo dapat magkaso sa saudi labor office para maka-avail ng subsistence allowance…  how about yong case number sa jawasat, or sa emara, or sa ministry of health or sa police .. di ba yon pwede para maka-avail ng subsistence allowance?

hind ba sapat ang case number ng polo lang?  nakakalungkot na kung kailan kailangan ay saka pa naging walang silbi ang compulsory insurance.

maraming salamat ulit dir. obet and ka marcia

ka joseph po

2016-04-27 9:34 GMT+03:00 Marcia Sadicon

Dear all,

Regarding your query..the insurance benefits are only applicable within its prescribed period and it is either 1 year or 2 depends.on how.much was.paid and the duration of contract as stated in the Job Order.

Re: sunsistence allowance. It is only applicable if you have a case number already.

What he can do is ask his phil agency.to repatriate him.upon arrival if the agency.will not cooperate, he can file labor case with nlrc..but he must be truthful in his affidavit.

Regards,
Marcia

2016-04-27 8:09 GMT+03:00 Robert Larga :

Sir, I will look into this and revert to you soonest. Salamat po.

On Wednesday, April 27, 2016, Joseph Henry Espiritu wrote:

Dear Director Obet, 

Salam sir, ang compulsory insurance ba kung naabutan ng 2 years expiration noong december,  di na magagamit para sa ticket kahit active pa ito nang mag-umpisang magkaproblema ang OFW?

Katulad po sa kaso ni Ed na napakatagal na. nasarado na rin ang agency. Nirequest nya at natin  sa polo al khobar na mabigyan ng subsistence allowance noong active pa ang insurance. kaso dedma lang ang polo alkhobar.

Hiling san namin sa yo na marequest sa insurance ang subsistence allowance at ticket dahil active pa naman ang membership ng OFW noong nagkaraproblema say at nagsampa sa saudi labor office. Hindi ko alam kung bakit ang polo ay ganyan. hindi naman nila pera yan. Kung may magtanong tungkol sa subistence allowance, sasabihan nila na magkaso ka muna sa saudi labor. if nagkaso na sa saudi labor ay hindi naman nila tulongan maka-avail ng compulsory insurance. 

also please pakitanong sa insurance provider if required ba talaga na magkaso sa saudi labor office bago maka avail ng subsistence allowance?

Nasa baba po ang mesage ni edz at ang buong thread ng paghihirap nya sa kamay ng amo at sa kamay ng polo. 

Maraming salamat and May Allah bless you and your family always

joseph

FEB 8TH, 11:53AM

Edz M. Anzano
Edz

Talo sir. Wqla akung akung makukuha pauuwiin daw ako akin ang ticket pamasahe

Kaaggaling ko lang ng general court pina implement kona ang desisyon kasi isang buwan na simula ng napagkasunduan tsaka sa result ng desisyon dipa din ako binibigyan ng exit ng amo ko

Nung tinawagan ang amo ko sabi mag report daw ako sa police kasi may case nanaman ako hayop talaga a g amo ko kaya daw di nya ako makunan ng exit.. Ie pina check kona ang iqama ko bago sya tinawagan clear naman dipa huroob.. Gusto kasi niya akung makulong nanaman

Pde po manghinge ng favor diko kasi alam kung kilan ma xpired ang iqama ko. Tsaka ma check ba ang iqama pag may kaso nanaman ako?

SAT 2:58PM

Edz M. Anzano
Edz

Sir yung mga pilipino a na hired ng amo ko paalis na ngayung may 4 pano ba maharang yun?

Gusto kung maharnag yun kasi kawawa yun pag makarating  dito. Mag rereklamo din mga yan cgurado.. At ng makaganti manlangbsa amo ko

Patnubay Online

For ticket pwede natin irequest yon sa insurance provider nyo.

Btw, di ka ba nakakuha ng subsistence allowance ed?

Edz M. Anzano
Edz

Allowance sir never pa ako naka recieve nanay ko nagappadala sa akin

Papano yong sa insurance sir nagtwo years na ako noong december. Expired nayon.

Saka sir. Napakatagal ko nang nagkaso sa saudi labor office active pa insurance ko. Hindi ako tinulungan ng polo para sa subistence allowance. Ang ticket pa kaya na expired na ang insurance ko?

———————–

September 2, 2015

Edz M. Anzano

Zed Anonaz

Sep 2nd, 7:19am

Magandang umaga sir/maam. Baka po pdeng makahinge nh tulong finacial magkarun lang ako ng perang magagamit sa paglalakad ng kaso ko babalik nanaman po kasi ako sa korte para sa disesyon.. wala na kasi akung pera na… natira di kasi ako nakakagalaw na natatakot naman ako magtrabaho dahil sa bawal na baka idagdag pa sa kaso ng amo kobsakaling mahuli ako maraming salamat po

2015-06-29 20:19 GMT+03:00 Joseph Henry Espiritu:

Dear Bro Jong, Ka Ronnie and Ka Lito,

ito yong updates tungkol kay ofw Maestrado..  …bro jong and ka ronnie.. i suggest na mabisita at makausap nyo si zed..  para magabayan sya.. gagawa na tayo ng sulat sa emara para matigil na itong amo sa pagkaabusado nya.   ka lito. may email ako re your suggestions

Edz M. Anzano

Zed Anonaz

Jun 29th, 4:16am

Nakalaya na po ako sir

Edz M. Anzano

Patnubay Online

Sent by Abu Bakr Espiritu

Jun 29th, 8:51am

sino nagpalaya sa you zed?

Patnubay Online

Sent by Abu Bakr Espiritu

Jun 29th, 8:51am

sino ang nagkafil sayo?

Edz M. Anzano

Zed Anonaz

Jun 29th, 7:24pm

Tinulungan po ako ng mag asawang pinoy yung tinirhan ko dati nung natunton ako ng amo ko mi kilala silang saudi na nagttrabaho sa prince yun ang nag aasikaso sa akin..

Patnubay Online

Jun 29th, 8:15pm

okay good… so yong nagwork sa emara.. dapat ilatag mo lahat ng ginawa ng abusado mong amo.. Zed..

2015-06-27 23:00 GMT+03:00 Mel Laynesa:

Dear all,

Nakatawag kaninang hapon si Eduardo sa tulong n rin ng isang saudi inmate sa loob ng kulungan naawa sa kanya kaya pinafamit ang itinatagong celfone. Kasalukuyang nakadetain sa Shamaliya Police Staion ,Dammam at ito ang kanyang mga pahayag.

1. Hindi na nalusutan ang mga tumugis sa kanya na inutusang hulihin sya kayat noong matapos ang huling hearing na naganap isang buwan na ang nakalipas ay nadampot sya ng mga pulis ding kakilala ng kanyang employer.

2. Maraming kaso at reklamo ang isinampa ng employer sa kanya subalit sa naging paglilitis ay ibinasura ang mga ito sa kakulangan ng mga ebidensya.

3.Unang linggo pa lang ng kanyang pagkakakulong ay sinabihan na sya n maghanap ng sauding magka-kafil sa kanya para makalabas n sya ng kulingan subalit hanggang ngayon ay wala siyang matawagan dahil wala syang kaibigang o kakilalang arabo na mapakiusapang magkafil.

4. Ayon kay Eduardo ay for final decision na ang kanyang maisampang complaint sa Labor Office at ayon n rin daw sa naghahawak ng kanyang kaso (labor case officer) ay pabor sa kanya ang magiging desisyon.

5. Ayon din kay Eduardo, Nagawa rin niyang tawagan  ang POLO Khobar at nakausap si Weloff Sitti ngunit tumangging makapagbigay ng assistance dahil HINDI DAW NILA SAKOP ANG PAGBIGAY TULONG KUNG POLICE CASE NA???

Sa ngayon ay humihingi ng assistance at tulong si Eduardo para mkalabas na at makuha ang desisyon sa Labor Office at tuluyan ng makauwi.

Anyday this week ay pilitin kong madalaw si Eduardo upang madalhan muna ng damit dahil ayon sa kanya ay wla syang inang damit mula ng ipakulong ng kanyang employer.

Isang pakiusap na mabigyang pansin ng ating ATN unit ng  embahada itong si Eduardo dahil sa haba na ng panahong ginugol nya upang ilaban nang tama ang kanyang reklamo na hindi magawang ayusin ng ating mga nakaupo sa Polo Khobar….upang sa ganon ay matutukan na at makauwi na nang maayos.

Hanggang dito po muna.

Mel Laynesa
Patnubay Dammam
056096xxxx

——– Original message ——–

From: Joseph Henry Espiritu
To: Mel Laynesa
Date: 27/06/2015 20:28 (GMT+03:00) 
Subject: Re: Urgent SOS EDUARDO ANZANO MAESTRADO JR ( 0549383957) – Eastern Province – KSA 

Dear Bro Jong, 

Salam bro.. please send updates re eduardo maestrado, kung bakit sa daming beses nyang nalusotan ang police na inutusan ng amo nya na hulihin sya .. ay bakit nakakulong si ed ngayon

fyi to all, itong si ed ang nagkaso sa kanyang employer sa ministry of labor, sa halip na harapin ng amo ang reklamo ni ed, ay nagsampa naman ng case laban kay ed sa police station. which malinaw naman na ginagawa lamang ng amo para maiwasan ang reklamo. 

We are waiting bro for the updates from your side,

Jazak Allah Khair 

JOSEPH
Patnubay – Riyadh

2015-03-30 13:04 GMT+03:00 Joseph Henry Espiritu :

Dear Amba Tago and Admin Hans

Salam sir,  This needs urgent assistance from ATN.

Here is a brief overview of his case.. Nagsampa ng reklamo sa Saudi labor office si OFW Maetrado laban sa kanyang employer for different labor violations umano. 

Noong unang hearing,  nasa accomodation pa ng kanilang company si OFW Maestrado, ay nagdala na umano ng police itong employer para ipahuli si OFW Maestrado. ang dahilan ay ayaw makapagattend ng hearing ang ating kababayan. Sa bawat araw bago ang schedule ng hearing, pumupunta ang police sa accomodation para ipahuli si OFW MAestrado. Nalusotan ni OFW MAestrado ang mga panghuhuli, may time na nagtago sya sa aparador, may time na tumalon ng bakod  

A couple of weeks ago, nang magkaroon ng hearing. ay inabangan si ofw maestrado ng amo at nang police sa labas ang saudi labor office.  dinala, isinakay sa police patrol car. good na nakatawag sya kay bro jong at sinabi ni OFW MAestrado na bawal syang hulihin dahil may pending complaints sya sa labor if mag-insist ang police ay magsumbong sya sa emara kaya sya pinakawalan. 

Last Sunday, schedule na naman ni OFW Maestrado sa saudi labor office. inadvise natin sya na dapat agahan nya ang kanyang pagpunta sa saudi labor office.  Nang matapos ang hearing andon na naman ang huhuli kay OFW Maestrado. Nasa baba ang kwento ni OFW MAestrado kung ano ang nangyari at kung papano na naman nya nailagan ang harassment ng kanyang employer. 

Amba Sir this needs urgent assistance ng ATN ng embahada.

Admin hans, dapat siguro masita itong agency kung bakit nagkaganito

Maraming salamat

joseph

Detalyadong kwento ni OFW Maestrado sa nangyari kahapon

Edz M. Anzano

Zed Anonaz

Mar 29th, 1:54pm

Natapos ang hearing sir. Sinamahan po ako ng isang taga dawa ay taga poea mejo nagkagulo lang kasi tumatawag na ng pilice ang amo ko inaabangan ako sa paglabas pati yung taga dawà at taga poea nag alala din kung pano ako makalabas kasi andun yung amo ko naririnig nila kasi dun sa loob palang na tumatawag ng police hinamon po ng taga dawa at poea na papasukin mo dito ang police.. Tapos ang piniproblema nila kung pano ako makatakas di talaga naalis amo ko mi mga police na din agad po akung hinila ng isang pinoy at dali dali akung dinaan sa gilid nakita po ako ng amoo dali dali po synag nag paandar ng sasakyan buti nakapasok ako sa isang buildeng apartment pala yun dun akp sa hagdan nagtago katabi lang din ng labor opis kaya kopo di sinagot tawag nyo sir kasi baka marinig ako ng mga naka opa dun tatawag ng police yun cgurado. Mga 40minutes ako dun bago ako lumabas tahimik na ang labas ahad agad po akung pumalayo

Edz M. Anzano

Zed Anonaz

Mar 29th, 2:01pm

Ikwento kopo sa inyo lahat lahat sir pagka nasa safe na ako na lugar dito pa po ako pagala pagala hahanap lanh ako ng masilongan sir

Edz M. Anzano

Zed Anonaz

Mar 30th, 11:02am

pumunta po ako ng polo kahapon ang sabi ni maam sitti ofw welfare ng polo di daw ako dapat pumunta sa kanya kasi hawak na daw ako ng labor under na daw ako ni sir benjie na translator ng poea sa polo yun din ang sumama sa akin kahapon sinabi ko dun ki maam sitti kasi siya ang head dun sa polo alkhobar ata sa mga ofw na mi mga problema.. na maam kahit man lang pagkulit sa agency ko di nyo magawa ang sabi sakin ako daw dapat ang makiusap sa agency didaw sila kausapin ko daw lagi wala na nga akung pera.. yung agency ko naman pag pinuntahan ng kapatid ko laging sinasabi na inaasikaso daw ako minomonitor so kilangan kolang daw mag pa deport kasi i 10k naman daw ako na matatangap sakaling makauwi niloloko nila kapatid ko.. atty. daw yung humarap sa kapatid ko ni minsan di ako tinawagan ng agaency kung di ako natawag.. ang sabi pa ilaglag ko ang kaso.. ang sabi naman daw ng poea pinas antayin ang result ng hearing kahapon bago sila magpadala ng another later sa agency.. tinatawagandaw ng poea pinas ang agency ko lagi daw sinasabi pagtinawagan nila na wala ang boss nila… parang wala na ata akung pag asa poea al khobar hugas kamay poea pinas wala ding aksyonagency ko naman walang pakialam employer ko gumagawa gawa na ng kung ano anong isasampa sa akin

Previous Messages 

Edz M. Anzano

Zed Anonaz

Mar 24th, 7:42pm

Malapit nanaman ang 29 sir kinakabahan nanaman ako baka kung ano nanaman pinaplano ng amo ko

Patnubay Online

ipaalala mo sa akin bukas zed tatawagan kita

Edz M. Anzano

Zed Anonaz

Mar 24th, 7:44pm

Cge po salamat po sa inyo..

Edz M. Anzano

Zed Anonaz

Mar 25th, 6:02pm

Magandang hapon mga sir/maam

Patnubay Online

Sent by Abu Bakr Espiritu

Mar 25th, 6:48pm

zed.. bukas ng umaga miss call mo a ko sa number na 0500xxxxx… di mo pwedeng ipamigay yan kahit kanino.

Edz M. Anzano

Zed Anonaz

Mar 25th, 6:49pm

Maaasahan nyo po sir.

Edz M. Anzano

Zed Anonaz

Pagka hinuli ako ng police pde kobang tawagan tung no. Nato sir?

Patnubay Online

sure any time

Edz M. Anzano

Zed Anonaz

Mar 28th, 6:55pm

Magandang gabi sa inyo mga admin.. Haist diko mapigilang kabahan bukas na ang hearing ko kasi.. Baka matulad nanamn nung nakaraan na pinahuli ako sa police.. Nakaka trauma.

Patnubay Online

Sent by Abu Bakr Espiritu

Mar 28th, 7:13pm

may kasama ka na muslim dyan na mag-asawa . magpaturo ka kung papano magsujood. or magdua

Edz M. Anzano

Zed Anonaz

Mar 28th, 7:20pm

Naku sir umalis napo ako dun dun ako natonton ng amo ko las week.. Inaalala ko kasi wala akunh kasama bukas baka kung ano ano nanaman pinaplano ng amo ko bukas tumawag kasi ang katulong ng nag hired sakin sa pinas na arabo.. 

Na andun daw sa bahay ying employer ko nag uusap sila yung employer at yung kompa yang nag hired sakin na syang pinagtttabahuan ko narinig daw ng katulong na nakahanda na daw lahat para bukas.. basta sir pagka di amp me makapag msgs ng dalawa oh tatlo g araw mi masama na pong nangyayari.. Godbless us

Previous messages

Patnubay Online

Sent by Abu Bakr Espiritu

Mar 23rd, 1:58pm

totoo ba na natunton na naman ang tinitirhan mo. di ka talaga ka nakahanap ng dawah islamic center ?

Edz M. Anzano

Zed Anonaz

Mar 23rd, 2:04pm

Totoo po yun sir natunton ng employer ko ang pinagtataguan kp tumakas po ako dun kasi umalis ang amo ko pagkaalam noya ng lugar at tatawag daw ng police dali dali po akung tumakas.. 

Mi nakausap naman ako na susunduin daw ako ng taga dawa para dalhin sa islamic centre pero wala pa daw sasakyan nangako naman sila na tutulungan ako pero nalalapit na ang hearing ko cgurado may panibago nanaman akung kaso na gawagawa ng employer ko tulad nung mga nakaraan na pinahuli ako sa police

Edz M. Anzano

Zed Anonaz

Mar 23rd, 2:12pm

Nalaman ng employer ko ang pinagtataguan ko. Kasi yung pamilyang kumopkop sakin eh mi kasamang nangupahan na mag asawang yemene at pinay. Sa kabilang kwarto na ikwento ng sa yemene yung pangalan ng employer ko malas kolang talàga kasi ang employer ng yemene at asawa nyang pinay ay yun din ang employer ko.. Parehas kami ng amo at naikwento ng yemene sa amo nila na amo ko din kaya nalaman ang pinagtataguan ko nakatakas naman ako kasi kasabay na dumating ang amo ko at yemene na asawa ng pinay hiñdi umakyt ang amo namin yung yemen lang nagsabi sakin na kilangan makaalis ako kasi anjan amo ko pag silip ko sa bintana nakita ko ang kotse ng amo ko sa baba. Pinatakas ako ng asawa ng kumopkop sakin..

Edz M. Anzano

Zed Anonaz

Mar 23rd, 2:17pm

Dun nalaman ko na ang employer ko pala ay di orig na saudi yemene din na naging saudi citizen.. Ang pamilyang kumkop sakin ay kapwa islam mutawa po ang babae.. Na tumutulong sakin di sana ako aalis dun kaso mi isa pa silang tinulungan na babae na dumaying nun araw na yun yun ang iniiwas nila baka sugurin ng police kasi takas po yung babae na tutulungan din nila.

Edz M. Anzano

Zed Anonaz

Mar 24th, 5:58pm

Sir nagpalit na pala ako ng no. +966567zzzzz

2015-03-13 13:36 GMT+03:00 Joseph Henry Espiritu :

Updates:  tingnan nyo itong katarantaduhan ginawa ng POLO Al khobar.  this is a continuation of my first email.. ang worker na nagfile ng kaso ay pilit ipapahuli sa police para hindi makaattend ng hearings. pero maliksi itong worker kaya ilan beses nyang nalagpasan ang mga banta sa knaya. noong march 11 sa schedule ng hearing, nandon na kaagad nakaabang ang police  sa kanya. Walan ginawa ang taga polo ay hinayaan lamang nahuliin ang worker. Mabuti na lamang nakatawag sa patnubay ang worker at ang police ay natakot sa binitawan nya na salita kaya sya pinakawalan. Nandito ang buong kwento ng worker ..Sa mga hindi nakasubaybay sa kwento na ito please read the first email sa thread na ito.

Patnubay Online

Sent by Abu Bakr Espiritu

Mar 11th, 6:24pm

hi zed update mo kami sa lahat ng nangyari kanina sa saudi labor office at yong huling attempt na ipahuli ka sa police. pwede mo bang isulat dito para documentation at maiapparating natin sa embassy at sa manila?

Edz M. Anzano

Zed Anonaz

Mar 13th, 10:22am

March 11 8morning pumunta po ako ng labor office nagaantay ako ng ako ng 10 kasi 10 am ang hearing namin tinawagan ko si benjie sabi nya parating na sya umabot ng 9:40 dumaying yung employer ko dali dali akung pumasok sa loob 10;45 am pinasok ako ako ng police at pinosasan sa loob mismo ng labor office pwersahang dinampot kahit pinakita kona ang papers ng hearing napasakay ako sa saskyan ng police 15 minutes ako sa sasakyan di pa naandar kinausap ng employer ko ang police nattakot ako baka kung ano nalang paratang sakin.. Di ako pinakingan ng police nung pangyayaring yun nasa labor office na pala si benjie at kausap ang employer ko. Diman lang siya lumapit sa police ku g bakit ako hinuli.. Hangang sa umalis na kami natayakot ako kasi paikot imot ang sasakyan hindi ko alam kung san ako dadalhin nakahinga akp ng maluwag nung nakita kung papasok kami sa jawasat na buildeng iniikot ikot akp ng police sa likod ng buildeng natayakot ako kasi gumagawa sya ng sulat arabic.. Nung pumasok na kami sa loob ng buildeng mi nakausap pinakiusapan kp ang police na pde ba akung tumawag.. Sabi fi daq pde nung nakausap na ng police ang isang jawasat na parang mi katungkulan Parang sumimangot ang police kinausap ko sabi kp sir ano ba yung kaso ko ano ngemployer ko sabi nh police di daw nya nakausp employer ko sinabi ko sir employer ko yung nakausap mo kanina siya yung nagpahuli sakin.. Napatigil kami sa paglalakad sabi nya employer moba yun? Sabi ko naman oo tapos sabi nya cge tawagan mo yu g gusto mung tawagan unang yinawagan ko si benjie tagal ng ring di sinasagot.. Tinawagan ko ang patnubay online.. Sinagot naman ako at binigyan ako ng idea kung anung dapat gawin nu g sinunod ko ang sinabi ng patnubay sinabi ko sa police ang lahat ng naipayo ng patnubay at  agad akung pinakawalan ng police at sinabi na anta kafeel mafi kwais yala row sumakay ka ng taxi kilangan makaabot ka sa hearing ayun at dali dali akung umalis

Edz M. Anzano

Zed Anonaz

Mar 13th, 10:37am

Bago ako umalis kinuha ng police ang phone no. Ko at sinulat dun sa papel na sinulatan nya ng arabic na sulat.. Nakarating ako ng labor opis 11:10 naabutan ko si benjie kinuha nya yung papel ko buti mi mga xerox akung papers kasi nung hinuli ako kinuha ng employer ko ang hering papers ko habang pinosasan ako ngnpolice. Si ulatan ni benjie ng arabic ang papers ko na yun ang nangyari late ako kasi pinahinuli ako ng police ng enpkoyer ko pumasok akp sa loob sa imbestigador dumating din ang employer ko.. Nagulat sya bat daw ako nakawala eh hinuli na nga daw ako pagka bigay ko sa papel na hearing. Nagalit ang imbestigador kasi late na daw dapat kaninang umaga pa daw dapat. Di tinagap pero pilit kung pinabasa yung sinulat ni benjie sa imbestigador at pinagalitan ang employer ko.. Pinaghaharap nanaman kami. Pero ayaw padin makipag areglo ng employer ko sinabi ng imbestigador uuwi kana ba.. Sagot ko yes sir. Yung tira mung sahud ibili nalang natin ng ticket para makauwi ka sabi ko naman ok sir its ok. Pero ayaw padin ng empkoyer ko parang mayikas pa magsalita ang employer ko sa imbestigador nung tinignan ng taga labor ang status ng kompanya ko ang nakita ko is red ang nasa taas tapos may yelow na kulay sa baba sa screen ng imbestigador kasi nakaharap sakin.. Nag uusap sila gulat pa nga ang employer ko. Sinabihan ako ng imbestigador uuwi kana ba.. Sabi ko yes sir. Tapos nag uusap sila ng employer ko at napabaling ang tingin sakin ng amo kp sinabi diba gusyo mo magttabaho sakin sinagot ko ng no sir. Sabi ng labor pauwiin muna yan. Ayaw talaga ng amo ko. Kaya aabot na sa ppriliminary court. Pagka ki akausap ako ng employer ko kinikindatan ako ng ng imbisyigador na parang sinabi wag kang sasagot kaya di na ako nasagot sa mga sinasabi ng amo ko. Binigyan ako ulit ng sched. Ngayong march29

Edz M. Anzano

Zed Anonaz

Parang mi di magandang nangyauari kasi nung nagharap kami tinawagan ko si benjie na kasi kilangan siya sa loob di siya nasagot nag txt na ako na kilangan nyang pumasok kasi sya ang hanap ng imbestigador walang repky hangang sa natapos ang hearing.. Pagka labas namin nalaman ko nalang na nag uusap pala si benjie tsaka employer ko nung hinuli na ako nung nasa labor office palang ang sabi daw ng employer ko kaya daw ako pinahuli kasi nanuntok daw ako pagkasabi ki benjie ang kinasasama kolang ng loob bat di nya sinabi dun sa imbestigador or kahit kanino dun sa labor opis na hinuli ako diman lang nya ako nilapitan sa sasakyan ng police alam naman niya na andun ako.. Ang sagot daw nya sa amo ko pagka mapatunayan na nanutok daw ako makukulong talaga ako sabi ni benjie yan mismo sa akin..

Yun daw ang pi ag usapan nila ng employer ko habang nasa loob pa ako ng sasakyan ng police..

Edz M. Anzano

Zed Anonaz

Mar 13th, 10:48am

Pagka gabi nagkita kami ni sir jong nagpapasalamat ako sa kanya dahil magandang mga idea at paynubay na ibinigay sakin sa amin at sa pagkain lalong lalo na sa binili nyang sim card sa akin salamat po ng marami sa inyo nga sir

Edz M. Anzano

Zed Anonaz

Mar 13th, 10:54am

10am ng gabi pumunta kami sa kakilala ng kasama ko na nag labor din na pumunta sa isang muslim na babae na tutulong sa amin nakapunta kami sa bahay ni maam amina. At agad naman kaming pinakingan pinayulog sa bahay nya kasama asawa niya pamilya.. Si maam amina ay madami nang natulongan pagkakaalam ko isa sya sa mga tao sa dawa islamic center.. Interpreter sa high or lower court ng walang bayad.. Ika ng ng asawa nya. Sir/maam isa po siyang muslim katulad nyo baka po matulungan niya ako sister nyo po siya baka pde nya akung tulungan kilala nyo ba siya sir/maam?

Related Link

Share this: