Isang OFW sa Deportation ng Riyadh, inatake sa puso, namatay

Share this:

Isang kababayan na nagngangalang Perlito XXXXX, 48 anyos, ay namatay kanina sa loob ng deportation sa Riyadh dahil sa atake sa puso. Napag-alaman na may recommendation na “for exit visa” itong si Perlito noong July subalit hindi natuloy dahil ang ginamit nyang pangalan ay pagmamay-ari ng ibang tao.

Noong Mayo, nahuli si Perlito sa Batha, Riyadh at inindorso ng pulis sa Jawasat (Immigration) for deportation. Sa loob ng deportation, nagpakilala umano si Perlito bilang isang Ruben YYYYY. Dahil sa hindi makontact ang kanyang employer, binigyan sya ng jawasat ng recommendation for exit at may exit visa number na. Ang exit visa number na ito ang syang itatak sana sa kanyang travel document.

Tuloy-tuloy na sana ang hangad nyang makauwi hanggang sa magreklamo ang sponsor ng tunay na Ruben YYYYY sa Jawasat. Ang nangyari ay gustong mairenew ng naturang employer ang Iqama ni Ruben pero sinabi sa kanya ng Jawasat na hindi na maaring marenew ang Iqama dahil may exit visa na ang kanyang worker. Sumugod sa deportation ang employer at nagreklamo kung bakit na-issuehan ng exit visa si Ruben samantalang nasa bahay naman nya ito at patuloy nagtratrabaho sa kanya.

Ang paggamit ng ibang pangalan ang dahilan kung bakit napatagal ang pagtigil ni Perlito sa loob ng deportation. Kaninang alas dose ng tanghali, ika-anim na araw ng Agosto ay inatake sya sa puso at namatay. Maaring magtatagal din ang pagpapauwi ng kanyang bangkay dahil nang pumasok sya sa deportation ay wala syang mga hawak na dokumento ng tunay nyang katauhan.

Ipaalala lang namin sa mga OFWs ng Saudi Arabia ang mga sumusunod:

  1. Bawal gumamit ng pangalan at identity ng ibang tao. Ito ay may parusang tatlong buwan na pagkakulong, sampung libong riyals na penalty at deportation.
  2. Bawal mag-forge ng Iqama or ano mang dokumento na pagmamay-ari ng gobyerno ng Kaharian. Ito ay may kulong ng dalawa hanggang limang taon. (note: for forgery of private owned documents ay may isa or dalawang taon na pagkakulong)
  3. Wag ipagkatiwala ang inyong Iqama or kopya nito, maging ang Iqama numbers nyo sa ibang tao. Maari itong magagamit ng iba at maaring magkakaroon ka ng problema
  4. Sa Saudi Arabia, ang katotohanan ang magpapalaya sa yo. Kabaligtaran sa Pilipinas na pinaboran kung sino ang mas sinungaling. Kaya gusto mong madali maresolba ang problema mo, magsabi ka lang ng totoo.

References

Drafted by Tasio Espiritu for Patnubay Online

Share this: