You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

Tag Archives: Racz Kelly

Kakayanin Ko Ba ang Buhay Abroad?

raczKakayanin Ko Ba ang Buhay Abroad?
ni Racz Kelly
First posted in Faceboook

Bago ka mag-abroad, mag-isip ka ng maraming beses. Tanungin mo ang sarili mo nang maraming ulit..

Kakayanin mo bang malayo sa mga anak o mga magulang mo?

Kakayanin mo bang labanan ang tukso kung ikaw ay malayo sa asawa o kasintahan? O kaya mo bang ipagpatuloy ninyo ang inyong magandang samahan kahit malayo kayo sa

Wala Iyan sa Super Nanay Ko!

Wala Iyan sa Super Nanay Ko!

My mother is the world’s best Mom! Iyan ang madalas kong marinig mula sa mga kakilala ko. Pero kung iisa-isahin ko marahil ang mga nagawa ng nanay ko, sasabihin ko sa kanilang “wala iyan sa nanay ko!”

Tarcela Delfin ang pangalan ng aking inay. Bunso siya sa limang magkakapatid. Grade 6 lamang ang natapos niya dahil hindi siya pinag-aral ng mga lolo at lola ko. Naniniwala silang ang babae ay dapat na nasa tahanan lamang kapag ito’y nag-asawa na.

Feature Story: No Read, No Write Ako

No Read, No Write Ako
(written by Racz Kelly)

Lumaki ako sa isang magulong lugar sa Mindanao. Nasa lugar kami kung saan walang humpay ang giyera.

Panganay ako sa aming magkakapatid. Sa edad kong lima, natuto ako sa mga gawaing bahay. Lima palang kaming magkakapatid noon atl tig-iisang taon lamang ang pagitan namin.

Ang mga magulang ko, sa bukid nagtatrabaho. Kailangan na sa kanilang pag-uwi ay malinis ang bahay, may nakahanda ng pagkain at malinis na ang mga kapatid ko.

Featured Book: “SINDI NG LAMPARA” (OFW Stories)

Ang ating buhay ay puno ng surpresa. May mga talento tayong natutuklasan sa ating sarili at may mga tao tayong nakikilalang magiging daan upang mapaunlad natin ang regalong ibinigay sa atin.

Dalawang OFW ang pinagtagpo dahil sa kanilang angking talino sa pagsusulat. Nagkakakilala lamang sa facebook sa pamamagitan ng blogs at sabay na nagkaroon kanilang libro na nai-publish ng isang Filipino-American sa US na si Tatay Jobo Elizes.

Feature Story: Ikinahihiya Kong Katulong Ako!

Ikinahihiya Kong Katulong Ako!
Ni Raquel Delfin Padilla/ Racz Kelly/ ardipee (02022013)

Nakauniporme ako araw-araw sa pagtatrabaho ko bilang kasambahay. Araw-araw, sunud-sunuran ako sa mga amo ko. Isa akong katulong. Wala akong karapatan magreklamo sa mga pinapagawa sa akin.

Umaga palang, nakalilimutan ko na mag-ayos dahil aligaga na ako sa pag-aasikaso sa almusal ng mga amo ko. Aasikasuhin pa ang alaga pagpasok sa eskuwela. Pagkatapos niyan, sunud-sunod na ang trabaho ko. Maglalaba, mamalantsa, magkukuskos ng kubeta at magpapakintab ng mga gamit sa bahay.

Feature Story: POKPOK AKO SA UAE

By: Raquel Delfin Padilla

Ito ay hango sa totoong buhay ng isang kababayan na inilapit ni kapitbahay niya sa akin na nailapit ko sa Patnubay at nakarating naman sa embahada ng Pilipinas sa UAE. Pagkatapos ng tatlong linggong naging babaeng bayaran sa UAE, si Kabayan ay nasa Pilipinas na at kasama ang kanyang asawa at anak.

(c) ardipee/ Racz Kelly/ Raquel Delfin Padilla 01192013

 

POKPOK AKO SA UAE

Ako si Erma, 22 years old, may asawa at isang anak.

Tulad ng karamihan, nangarap din akong gumanda ang buhay namin ng pamilya ko. Kahit anong sikap namin ng aking asawa, kulang pa rin dahil hindi naman kaming dalawa nakatapos ng pag-aaral. Kung mayroon man kaming matinong trabaho, kulang pa rin sa pangangailangan namin.