KSA: Digital Employment Contract inilunsad ng General Organization for Social Insurance (GOSI) – Nobyembre 19, 2018

Share this:

Noong Nobyembre 19, 2018, ang General Organization for Social Insurance (GOSI) ay naglunsad ng isang bagong portal na tinawag na Employment Contracts Authentication.

Pinapayagan ng portal ang mga employer na mag-upload ng mga kontrata sa pagtatrabaho at patunayan ang mga ito sa pamamagitan ng portal ng GOSI. Narito ang kanilang announcement sa Twitter.

Ang pakinabang ng naturang serbisyo ay ang mga sumusunod:

  1. Madali ang pag-access ng employer sa mga employment contracts ng kanyang workers.
  2. Ang contract ng workers ay madaling ma-update.
  3. Ang mga workers ay may karapatan na mag review ng kanilang contract.
  4. Madaling macorrect kung mayroon mang discrepancies o hindi tama sa kontrata.

Since then, may mga workers na nakatanggap ng text message sa kanilang mobile phones, para i-review nila ang contract na sinubmit ng kanilang mga employers sa GOSI.

Maganda itong inisyatiba ng GOSI dahil masisiguro na totoong basic salary ang dineklara ng company para sa kanilang workers at hindi mas mababa kaysa totoo niyang basic salary.

Responsibilidad ng mga companies na magbabayad sa GOSI, ng percentage ng basic salary ng kanilang workers. Sa katulad natin na mga expatriates na hindi nagmula sa GCC countries, ang membership natin sa GOSI ay para lamang sa Occupational Hazard Insurance.

Sa Social Insurance Law ay obligasyon ng employer/company na bayaran ang GOSI Occupational Hazard Insurance ng worker sa halagang katumbas ng 2 percent sa kanyang basic salary o ang maximum na 400SAR.

Kung maaksidente o mamatay ang worker habang ginampanan ang kanyang trabaho (Occupational Accident), ang computation sa benefits na kanyang matatangap o ng kanyang naiwang pamilya ay ibabase sa basic salary na dineklara ng employer/company sa GOSI.

May mga naaksidente na workers, na maliit ang natanggap na salary (from GOSI) habang nagpapagaling sa hospital at kaya din may maliit na disability benefits na natanggap ang worker o ang kanyang naiwang pamilya. Nangyari ito dahil ang dineklara ng employer o company na basic salary sa GOSI ay maliit kaysa totoong basic salary ng worker.

Napakaganda nitong inititative ng GOSI, ang magkaroon ng digital contract at pinapaapprove sa mga workers kung tama at totoo ba ang dineklara ng kanyang employer.

Kaya, kung kayo ay nakatanggap ng text message mula sa GOSI, na ganito:

English Translation: Dear Subscriber; (name) An employment contract has been registered with (company). Please review and approve the contract through the following link:
https://gosi.gov.sa/Taminaty/#/authenticateContract?lang=en
Note that the contract will be canceled automatically within 7 days if no action is taken.

Then i-click ninyo ang link at ito ang lalabas

i-type ang iqama number at ang verification code at i-click ang button na Verify.

I-review ninyong maigi ang inyong kontrata at kung may hindi tama sa dineklara lalo na ang basic salary ay huwag itong i-approve. Kausapin ninyo ang inyong employer kung may mga discrepancies. Kung walang gagawin ang inyong employer, maari kayong magreklamo sa GOSI, o sa POLO natin o sa Saudi Labor Office.

Maliban sa pag-approve o pag-disapprove sa contract na isinumite ng employer sa GOSI ay magkakaroon din kayo ng sariling login account sa portal ng GOSI. Narito ang registration link:

https://www.gosi.gov.sa/GOSIOnline/Contributor_registration&locale=en_US

Sundan lang ninyo ang number sequence, then after magclick ng button na Proceed ay makakatanggap kayo ng OTP sa inyong mobile at makikita ninyo ang inyong records sa GOSI.

Patnubay Notes: Ayon sa Chapter II – Article 5 ng Social Insurance Law, hindi sakop ang mga sumusunod na profession para sa GOSI-OHB.

  1.  Foreign employees working in foreign international or diplomatic or military missions
  2. Workers employed in agricultural, forestry, or pastoral works, and save for these subject to the Labor and Workmen Law and those employed in state bodies and semi-state bodies as well as those employed in private establishments and companies which satisfy the criteria and controls prescribed by the Regulations.
  3. Sea-men including the sea-fishermen, save for those subject to the Labour and Workmen Law, as well as those employed in the marine establishments and companies and fishing companies which satisfy the criteria and controls prescribed by the Regulations.
  4. Domestic servants (housemaids, family drivers, gardeners and other household jobs)
  5. Foreign workers who come to the Kingdom to engage in works which usually take no more than three months to complete, and the Regulations shall prescribe the works intended for the purposes of this provision.

Note: ang mga nakasulat na professsion sa taas ay hindi rin sakop ng Saudi Labor Law (see Article 7)

Related Articles:

Share this: