Ngayong gabi, ibinalita ng Al Rai Newspaper, na may isang Pinay nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili, at ito ay nangyari sa loob ng Al Naeem Police Station, Al Jahra District, Kuwait.
Si Kabayan ay hinuli at kinulong sa police station dahil sa walang naipakitang mga papeles ng pagkakakilanlan. Ang nakuhang impormasyon lamang ng mga otoridad ay siya ay ipinanganak sa taon 1978.
Nagpatiwakal umano si kabayan sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili gamit ang kanyang damit at walang nakapansin sa kanyang pagpakamatay dahil walang CCTV sa kulongan ng pambabae. Ang dahilan na walang CCTV ay para mananatili ang privacy ng mga nakakulong.
Ipinag-utos kaagad ni Major General Faraj Al-Zoubi Amin ang pagbuo ng isang investigation committee para alamin kung may kakulangan ba sa parte ng mga awtoridad na humuli at nagkulong kay kabayan.
Patnubay Notes: Ipaparating natin ito sa ating Embahada at POLO. Malamang alam na ito nina Amba Dino Lomondot at Labatt Nasser Mustafa na kilala na natin na parehong napakabilis umaksyon at tapat sa kanilang mga tungkulin. Ipapasa din natin ito sa DFA at DOLE, sa Manila
Nasa baba ang ating English Translation at source link sa Arabic News
A Filipina committed suicide at Al Naeem Police Station .. And Major General Al-Zoubi orders the formation of an investigation committee
An informed security source revealed to “Al-Rai” that a Filipina worker committed suicide inside the “glasses” of Al-Naim police station in Jahra, where she was found dead after she hanged herself using her clothes.
The source explained that the maid was arrested and detained at the police station for lack of personal proof, and she was born in 1978.
The source concluded that the Public Security Undersecretary, Major General Faraj Al-Zoubi Amin, ordered the formation of an investigation committee to find out the causes of suicide and refer the report as soon as possible to ensure that there are no security shortcomings.
It is mentioned that for the privacy of women’s glasses, there are no surveillance cameras to maintain the privacy of the detainees.
Source: https://www.alraimedia.com