Oktubre 6, 2021 – Sa kanyang Twitter account, anim (6) na bagay ang pinaalala at pinakiusap ni Mayor Vico Sotto sa mga mamamayan ng Pasig City
Kaya, ipost ng Patnubay ito dahil pasok na pasok ito sa HAGIT (Honesty, Accountability, Good governance, Integrity, and Transparency) na ating isinusulong mula noon pa. Narito po ang buong text sa paalala at pakiusap ni Mayor Vico.
Good morning! Una, maraming salamat sa mga nagpadama sa akin ng overwhelming support. Sinusubukan kong replyan ang bawat text mula nung filing. [1/6] FOCUS pa rin tayo sa trabaho. Trabaho, bago politika. Kahit sa pormal na campaign period, mananatili akong full-time mayor. [2/6] IWASAN natin ang "mudslinging". Kung tungkol sa trabaho o track record, sige pag-usapan natin (Dapat naman talagang suriin nang mabuti ang mga kandidato). Pero wag yung personalan o bastusan na. [3/6] MAGING MAPANURI, lalo na sa pekeng balita. Hindi porket may "quote" ay totoo na ito. (Alam niyo, yung gumagawa ng fake news at fake quotes noong 2019, halos sila pa rin yan ngayon.) [4/6] KUMBINSIHAN, hindi pagdikta. Kapag may kaibigan tayong nakita niyo sa kabila, 'wag niyong pagalitan o takutin… Di ba kasama sa laban natin ang pag giba ng ganun klaseng politika? [5/6] SUMUNOD TAYO sa mga alituntunin ng Comelec, lalo na sa health protocols. Kung kailangan mag-meeting, dapat sa lugar na may bentilasyon at pasok sa IATF guidelines. [6/6] HINDI pa rin tayo gagastos ng malaki. Tandaan- ang gagastos ng malaki sa kampanya, ay malaki rin ang babawiin. (Ok lang tawagin akong kuripot, at least hindi magnanakaw. Ang importante, nagagamit sa tama at ng buo ang pera ng taumbayan.) Yun lang po muna. Nawa'y maging maayos at mapayapa ang eleksyon sa Pasig at sa buong Pilipinas. God bless the 2022 Elections!
Source: https://twitter.com/VicoSotto/status/1445590175455711244