Kahit sino na alam ang email address, first name, middle name at family name ng isang OFW ay pwedeng mabuksan ang account ng OFW sa POEA Online Services website. Ang POEA Online Services ay ang pumalit sa dating BMOnline na ginagamit ng mga OFW para makakuha ng OEC o OEC Exemption.
Nalaman natin ang kapalpakan na ito nang sumubok tayo ng account recovery at dumaan sa 5 steps na ganito.
- Click Account Recovery
- Enter your email address
- Enter First Name, Middle Name and Last Name
- Confirm by clicking the “Yes” button
- Lalabas sa webpage ang temporary password na magagamit mo sa paglogin
Patnubay Note: Ang malinaw dyan ay kahit sino na may alam sa ating email address, first name, middle name at family name ay pwede nilang mabuksan ang ating account at makikita ang mga personal records natin katulad ng passport number, address, contact numbers, family members at iba pa.
Hindi natin alam kung sobrang behind na ba ang Pilipinas sa IT kumpara sa ibang bansa o kumuha na lang ba ang POEA ng sinu-sinong programmer lamang o kamag-anak ba kaya nila, o talagang balewala lang sa kanila ang mga OFW kaya wala silang pakialam sa privacy natin.
Ang POEA Online Services ay pumalit sa BMOnline noong June 30, 2021 gamit ang dating poea.gov.ph domain name. Pinalitan ang domain name to dmw.gov.ph noong May 2022.