OFW MANDATORY FEES: PISTI!

Share this:

Isa sa mga responsibilidad ng pamahalaan ay gabayan ang OFWs kung paano magtipid at makaipon, hindi para holdapin ang OFW ng harap-harapan.

Sa paglisan pa lang sa Pilipinas, marami ng bayarin ang OFW tulad ng PAG-IBIG, compulsory insurance at Philhealth (suspended for the time being), o sapilitang bayad ng mga OFW kung hindi, hindi sila makakalipad. Ang siste, ang pobreng OFW, mangungutang.

Paano tayo makakaipon, hindi pa nga nakaalis ay may utang na?

Bagong bayani raw ang mga OFW dahil sa malaking ambag namin sa ekonomiya, napakalaking sector na posibleng makapagpanalo ng isang kandidato. Pero, ang mga OFW pa ang ginawang milking cow ng pisting mga ahensya ng gobyerno dahil halos masaid ang pondo dahil sa walang habas na pagnanakaw nila.

Tulad ng universal health care law, kung hindi yan mabago at maitama, nandyan lagi ang banta ng malaking bayarin sa Philhealth. Halimbawa ngayong 2022, dalawampu’t siyam na libong piso ang babayran ng OFW na umabot sa ceiling o hangganan. Pagdating ng 2025, animnapung libong piso na ang babayaran ng OFW maliban pa ang interes kung hindi makabayad ang OFW. Tapos, malalaman mo na kaya pala atat na atat maningil dahil wala na pala silang pondo kasi nanakaw na nila.

Isa pang malaking dagok ang PAGIBIG na ngayon ay mandatory na rin. Bakit? Ubos na rin ba ang pondo nila? Akala ba namin ay mutual fund sila. Ibig sabihin, ang mga ibinayad ng mga kasapi ang palalaguin para pagdating ng takdang oras ay ibabalik sa member nang may tubo. Subalit dahil sa kanilang pamimilit ngayon ay tila kapareho na rin ng Philhealth na nasasaid ang pondo!

DAPAT NA RIN ITONG MAIMBESTIGAHAN NG SENADO.

E nasaan na yong mga ibinayad ng mga member? Wala na ba silang maibabayad sa mga nag-mature na kasapi? Tila na-scam na rin pala itong PAGIBIG? Kaya siguro “too good to be true” kung mangako ng return of investment (roi) sa mga bagong member. Panibagong mga biktima ng SCAM!

Ang mas nakakapanlumo ay sinabi pa ng POEA kay OFW na pag pumunta doon ay dapat magpakita ng katibayan ng sahod para tama yong computation ng ibabayad ng OFW sa PAGIBIG. Halimbawa, may sahod ang OFW na 50K pesos, tapos ang 2 percent ay 1K per month so 12 thousand per year bawat bakasyon. Kung 100K pesos ang sahod kada buwan, so 24K pesos ang babayaran ng OFW bawat taon.

Grabe, di ba? Halimbawa, ang OFW na may 100K pesos na sahod, ang babayaran sa pagbakasyon this year ay 29K sa Philhealth, plus 24K sa PAGIBIG, bale 53K pesos. Saang kamay ng demonyo kukunin ng OFW yan? E kalahati ng 100K na sahod ng OFW nagastos na sa abroad (bahay, tubig, kuryente, gasolina, pagkain, load atbp), at 50K ay sa pangangailagan ng pamilya sa Pilipinas. Kaya wala talagang ipon! Tapos para lang makabalik ulit ng trabaho sa abroad, hoholdapin pa ng gobyerno ng 53K pesos?! Pisti talaga!

Kunsumisyon ang naghihintay sa magbabakasyong OFW!

Pero hindi pa rin naman ako 100 percent na kumbinsido na scam talaga ng PAGIBIG, kundi ginawa lang itong decoy para maitago ang totoong pakay ng mga malalaking pisting mga tao sa DOLE at POEA para kumita sila ng pera nang pangmatagalan kahit wala na sila sa posisyon sa mga ahensyang nabanggit. Sinisiguro nila na maobliga ang mga OFW lalo na yong mga balik-manggagawa para sa kanilang commission sa bawat kukuha ng compulsary insurance.

HUSTLER na talaga ang mga inatay, ipagpalagay natin nasa 1900 pesos na binayad ng ofw sa compulsory insurance company at may 5 percent commission ang mga hinayupak na ito, malinaw na may 95 pesos sila, i-multiply mo yan ng ilang milyon sa mga balik-manggagawa bawat taon. Yan ang totoong pakay ng pisting mga ‘professional swindler’ na nasa DOLE at POEA kaya ginawang mandatory pati PAGIBIG.. Yang PAGIBIG sinadya nila yon para hindi masyadong mapansin at mapagdudahan na ang commission mula sa compulsory insurance ang totoong gusto nila.

Tapos kung makapanlait sa mga OFW na bakit walang ipon, wagas!

Walang ipon si OFW dahil marami silang binubuhay mula sa dugo at pawis nila! Ang masaklap lang kapag ang pamilya sa Pilipinas ay hindi na marunong mag-ipon ay mga abusado pa. Kaya hindi lahat ng sisi ay sa pobreng OFW dahil malinis ang kanyang intensyon.

Kayo ang may masasamang budhi dahil gumawa kayo ng mga advisories at batas para pahihirapan kami. Nasaid na pondo dahil sa walang humpay ninyong pagnanakaw.

At wala kayong kaluguran, pati komisyon na sa mga compulsory insurance company ay pinag interesan niyo na rin. Naniniguro kayo para sa kinabukasan ng inyong sariling mga pamilya hangang sa apo ng mga apo ninyo – pero lahat nang pinalamon nyo sa kanila at sa mga bundat nyong sarili ay galing sa dugo’t pawis ng mga OFW!

Mga pisti kayo!

Itong mga dambuhalang kawatan sa DOLE at POEA, kung may katiting pa kayong konsensya ay tigilan na ninyo yang sapilitang paniningigil kapalit ng OEC dahil bistado na kayo! Komisyon mula sa compulsory insurance company lang ang hangad ninyo.

Hindi namin kailangan ang insurance dahil marami kaming insurance dito. Huwag na ninyong ipagpilitang gamitin ang RA 10022 dahil nang lumabas ang batas na yan ay agad naming tinutulan yan, at sa mga newly hired lang dapat ina-apply ang compulsory insurance.

Mga HUSTLER kayo! Sasabihin ninyo kunyari para sa kinabukasan ng mga OFW? Ulol! Kinabukasan ninyo at mga pamilya ninyo ang iniintindi ninyo at hindi future ng OFW at kanilang pamilya.

Anong future ng OFW at pamilya namin kung ngayon pa lang pinapatay nyo na kami sa problemang bayarin?Anong ipon pinagsasasabi ninyo na hindi pa man kami nadi-deploy ay nangungutang na kami para sa raket ninyo! Mga hinayupak kayo!

Napakawalanghiya ninyo. Ang Pilipinas ang isa sa 48 na mga bansa sa UN GENERAL ASSEMBLY noong 1948 na sumuporta sa UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RIGHTS kung saan nakapaloob ang FREEDOM OF MOVEMENT at nakasaad na may kalayaan ang bawat tao na aalis o papasok sa anumang bansa kasama ang sarili niyang bansa.

Sino man ang may access sa wikipedia, maari bang paki-edit sa article ng FREEDOM OF MOVEMENT, at isama sa mga violations itong OEC at mga sapilitang bayarin ng mga migrant workers?

Magdasal tayo.

Panginoong Tagapaglikha ng lahat, parusahan mo po ang mga malalakig tao ng DOLE, POEA GOVERNING board, dahil ilang milyong OFW at pamilya ng mga OFW ang nais nilang pahihirapan dahil sa kanilang sariling interes. Parusahan mo itong mga kawatan at nagnakaw ng pondo ng mga ahensya ng gobyerno at para may pantapal sa mga ibinulsa nila ay OFW ang kanilang pinapabayad. Parusahan ninyo po sila at maging kanilang mga pamilya at apo at kaapo-apuhan dahil iisang dugo lang sila ng mga kawatan.

Drafted by: Abu Bakr Espiritu

Note: Sa ngayon maari pa tayong makakuha ng OEC Exemption bilang balik-manggagawa sa website ng DMW (previously POEA) website.

Pero nababasa na natin ang utak nila. Kaya, kahit ilang buwan na mula ng sila nag advisory at nagpabalita na mandatory na ang PAGIBIG at compulsory insurance sa pagkuha ng OEC, sadya nila itong hindi muna ipinatupad. Para kung mag iingay tayo, ay may kokontra na magsasabi na hindi totoo ang ating pinaglalaban. Tapos bigla na lang tayong gugulatin sa biglaang pagpapatupad nila. Nasa baba ang mga links ng balita tungkol sa kanilang advisory na mandatory ang PAGIBIG at compulsory insurance.

Addendum: Sa mga nakakuha ng OEC Exemption sa DMW website, alam ninyo ang isa pang panlilinlang nila. Di ba may pop-up window na dapat magbayad ng PAGIBIG at dapat itong isara para makapunta ka sa page ng OEC Exemption?

At isang puzzle kung paano mai-close ang pop-up window na yon dahil tinago nila ng husto ang close (X) button sa labas ng browser view.

Kaya, tuloy may OFW na napapunta ng POEA at yon napabayad ng compulsory insurance. Late na niya nalaman na dapat pala gawing 70 percent ang zoom view ng browser para makita yong X button ng pop-up window na tinago sa labas ng browser.

Other Related Links and Articles

Share this: