Patnubay: 2011 Yearend Report

Share this:

Case Handling – Maganda ang pasok ng taon 2011 sa atin; nakauwi ang mga workers ng Innovative Company na ating inalalayan. Nakamit nila ang hustisya na sila  lang ang lumaban.

Video link :http://www.youtube.com/watch?v=Y8nmHU6bHbA.

Ganun din ang success sa lahat na mga kaso natin sa taon na ito.

Fight against fabricated COWA Report

Noong Enero 2011 din, pumunta dito sa Saudi ang mga kongresista na ang tawag ay COWA na pinamumunoan ni Cong. Walden Bello, at fact-finding committee umano; nagstay sila dito ng limang araw. Sa halip na hanapin ang katotohanan tungkol situation ng mga OFWs Saudi Arabia, sa halip na hanapin ang ugat ng problema ay pumunta sila dito na gawa na ang report. at formality na lang ang pagpunta ng Saudi..

Lumaban tayo para sa katotohanan. We are  advocates of  truth, fairness and justice. Kaya kahit gaano pa kasikat at katalino ang isang congressman at ang kanyang grupong partylist. Hindi sila mananalo kung ang katotohanan, pagiging patas at  hustisya ang kanilang kalalabanin. Kung gusto nyong basahin at marecall ang mga pangyayaring yon maari nyo itong makita sa lumang site natin na patnubay.com at sa mga Notes na rin natin dito.

Kami po ay nagpapasalamat sa lahat ng sumali sa discussion, sa mga naniwala sa ating pinaglaban at sa supporta na ibinigay ng bawat isa.

Arab Spring

Maraming mga grupo ng OFWs ang nagpakalat ng mga kwento na ang nangyari sa ibang arab countries ay mangyayari din daw sa Saudi Arabia.  Ang resulta kumalat ito sa media sa Pilipinas at nagdudulot ito ng takot sa ating mga pamilya ng mga panahong yon.

Gumawa tayo ng discussion thread tungkol nito para ipaliwanag na walang dapat  ikabahala ang mga OFWs sa Saudi Arabia. Inilagay din natin ang ating mga analysis sa mga sumusunod na pangyayari. We even issued advanced warnings sa mga totoong  magaganap  sa qatif area at ang resulta ng events afterwards.

Thanks to our silent advocates (filipinos and saudis) from different parts of KSA na kasama nating nagmasid at nagmanman sa totoong situation. And to our NGO partners, media friends and even GO Friends. At nakatulong yon ng malaki  sa pagpakalma sa ating pamilya na walang ikakabahala sa Saudi Arabia.

Nitaqat  (Saudization)

Tayo lang siguro ang grupo ang  nakapagpaliwanag ng maayos sa NITAQAT noong una itong napabalita. Sa tulong ng mga NGO partners natin sa manila ay naipaabot natin ang ating mensahe sa video na ito sa ating gobyerno.

May mga grupo naman na sa halip na magbigay ng tamang information ay gumagawa pa ng kwento na lalong kinatatakot ng karamihan. Katulad ng sinakyan nilang na nagbigay ng pangamba sa mga OFWsna gustong magbakasyon. Marami ang nagkansela ng kanilang mga bakasyon dahil nito.

Ang Nitaqat ay isang seryosong usapin na dapat nating tututukan. Ang pag-implement ng punishment ng mga company ng nasa red category ay nag-umpisa na noong November 26, 2011.  Siguro ang ating gobyerno ay lalong maging kampante na ngayon dahil wala pang napapabalita na mga workers na natanggal sa trabaho dahil red ang company nila .

Nagkamali sila dahil hindi pa mararamdaman kaagad yan lalo na kung ang mga workers ay hindi alam ang estado ng company nila. May dalawang companies na po na alam natin na nasa red category at may total na 80 filipino workers. Subalit ayaw pa ng mga workers na maghanap ng malilipatan dahil naniwala sila sa sabi ng amo nila na magawan pa rin ito ng paraan. Magkakaproblema ito kung saka na lang sila aaksyon kung magexpire na ang kanilang iqama at hindi na ito mairenew dahil red nga ang kanilang company? Saka na lang ba sila maghanap ng malilipatan? Mararamdaman natin yong kung mapagsabay na sa mga workers ng nasa company na may yellow category. Ang implementation ng punishment ng yellow category ay mangyayari sa in less than two months mula ngayon. Mas marami ito dahil ito yong mga dating red na mga companies kaso kinapos at yellow lang ang inabot.

Kaya ang ginawa natin  ay nakalagay sa patnubay.org ng mga pagpaliwanag sa nitaqat, para malaman ng mga workers kung anong category ang company nila. Naglunsad din tayo ng  Sagip NaNitaqat na maaring magregister ang mga workers na nasa red and yellow category. Naglagay din tayo ng special page para sa mga job vacancies ng mga companies na nasa green category at gustong tatanggap ng filipino workers..

Ang nitaqat ay isang seryosong usapin kung saan ang kakumpetensya natin para mapananitili sa trabaho ay ibat-ibang lahi. Sa paghanap ng trabaho naman ang kakumpetensya natin ay ibat-ibang lahi naman.. Sa inyong palagay, kung ikaw ay may-ari ng isang company sino ang pipiliin mo ? itong lahi na walang sinasabing masama sa saudi arabia or itong filipino na may media at mga grupong gumagawa ng fake cowa report, rape stories at nagpakalat ng hoax at ano pang mga kasinungalingan?  Well we pray, sana ang mangingibabaw ay yong kagalingan at kakayahan ng filpino sa kanyang profession or skills.

Naintidihan nyo na ngayon kung bakit kailangan nating lumaban para sa katotohanan. sa pagiging patas at sa hustisya.

OFW Movie Lawas Kan Pinabli

Isang batikang director na si OFW Chris Gozum, ay gumawa ng isang OFW movie hango sa totoong kwento at kaso ng mga totoong OFWs.  Sa kasalukuyan, ito lang ang tanging movie tungkol sa OFW na katotohanan, pagiging patas at hustisya ang laman ng kwento. Nakakuha ng maraming   paghanga mula sa mga batikang film critics sa atin .  Ang role ng patnubay sa movie na ito ay isa tayo sa nag pagprovide ng mga totoong kwento at kaso ng mga totoong tao. Ang mga kasamahan din natin sa patnubay ang mga crew para mabuo ang movie. Note: si Direk chris gozum ay kasamahan nating advocate ng Patnubay.  Pasok ang story ng  movie na Lawas kan Pinabli sa principles na Truth, Fairness and Justice kaya hindi tayo natakot gumawa nito sa loob mismo ng kaharian.

Isa rin sa naipromote ng movie ay ang Pangasinan Language; Patnubay also advocates Preservation of Philippine Languages.

Patnubay Online (http://www.patnubay.org)

Isa sa magandang nangyari  ay ang malaking bahay natin, ay hindi lang tayo nakafocus Saudi or sa Middle East kundi pati na rin sa mga OFWs buong mundo. Isa sa ating mga objectives ay makapagbigay ng accurate information at news, fair na opinion and reactions tungkol sa buhay nating mga OFWs.  at para maipalabas ang ka-galingan ng mga ofws sa ibat-ibang larangan, photography, filmography, at iba pang hilig at talino ng mga OFWs na dapat maipagmalaki at mahalintularan.

Masyadong ambitious ang patnubay online, napakalawak at napakalaki ng goals and objectives nito; pero hindi ito imposibleng ma-achieve kung magtutulongan lang tayo. Kasama sa pinopromote natin ay ang Servant Leadership at ang HAGIT principles. Sandali lang natin maachieve ang mga yan kung tayo ay magtulong-tulongan.

Sa bagong bahay natin, sa Patnubay Online meron tayong Twitter  Facebook fanpageYoutube accounts . Kaya dumami na ang mga means kung papano tayo malapitan ng mga distress OFWs para ipaabot sa atin ang kanilang problema. Sa katunayan may isang distress case na tayong naresolve at yon ay lumapit sa atin thru our twitter account.

Aside sa mga cases na ordinaryo na lang na inilapit sa atin may mga kaso tayo na nailagay natin sa ating youtube account or sa patnubay.com. Examples are the following

  1. Eddie Valares – nanalo December 2010 at nakauwi early 2011
  2. Roberto Acierto – pinaglaban ang karapatan at nakuha ang kahilingan
  3. Michael Montecilio- pinaglaban ang karapatan at nakuha ang kahilingan
  4. Ten Filipino Fishermen- pinaglaban ang karapatan at nakuha ang kahilingan
  5. The Workers of Innovative Company
  6. Saudi based HSW Speaks – mga domestic workers nagsalita laban sa fabricated COWA report

Blas Ople Award

 Kasama nina VP Binay, Sen Villar, Hotelier James Concepcion at PEBA Founder (at kasamahan natin na ) si ka Kenji Solis, kasama po tayo sa limang naparangalan ng Blas Ople Pusong OFW Award. Taos-puso nating tinanggap ang award dahil alam natin na sincere ang pagbibigay ng award ng naturang foundation. Hindi competition, walang nomination, walang text voting or internet voting kundi nakita yong ginagawa natin as a servant for humanity. Nagpapasalamat po ako kay ate toots sa pagpahalaga at parangal sa atin at sa buong samahan.

Special Announcement

Mabait ang Panginoong Diyos at dapat syang purihin sa bawat segundo at sa bawat paghinga natin.  Nagpapasalamat tayo sa Kanya sa lahat ng biyaya na naibigay at sa bawat pagsubok na ating nalutas at nalagpasan. Kung meron man tayong shortcomings, sana ay mapatawad Niya tayo dahil alam nya naman na hindi tayo mga masasamang tao.

Mapili po tayo sa pagtanggap ng maging kaibigan at maging kasama sa adbokasya. Sinisiguro namin ang quality ng pagkatao at hindi tayo paramihan. Kaya hindi natin inaasahan na aabot din pala tayo sa higit 700 friends na ngayon.

Karamihan sa inyo ay mga OFWs sa dati naming kaso, o di kaya mga kasamahan namin sa pagresolve ng mga kaso at marami din ang personal nakaibigan at kamag-anak. Marami din sa inyo ay mga servant leaders sa ibat-ibang lugar at dahil magkapareho ng prinsipyo ay natural lang nag magpang-abot at makakilala.

Sa mga nandito na dati naming kaso, marami sa kanila ngayon ay naging kasama na natin sa paglilingkod ng kapwa na walang hininging kapalit. Maraming salamat po at kayo ay kasama na ng grupo. ( Note :karamihan sa mga natulongan natin ay wala na tayong information kung nasaan na sila ngayon….sana ay nasa mabuti silang kalagayan. )

Sa mga kasamahan natin sa patnubay, mapa-individuals, NGOs, GOs na naging kasama natin sa pagtulong at pagresolve ng kaso, Maraming maraming salamat sa inyo sa ilang taon nating samahan at damayan para makatulong sa mga OFWs. Ganun din sa mga servant leaders sa ibat-ibang panig ng mundo na bago lang natin na meet. Diyos po ang magbalos ng mga biyaya para sa inyo at sa lahat ng inyong pamilya.

Marami pang mga katulad nyo na hindi pa natin nakilala pero gumagalaw sila ng katulad sa atin. Tumutulong na walang hinininging kapalit. Hinahanap din nila tayo dahil alam din nila na mas marami tayo kesa mga kunwari at huwad na mga bayani na hangal sa kapangyarihan, sakim sa pera at kulang sa attention.

Ang account na Patnubay Riyadh ay isasarado na natin sa December 30, 2011 at lilipat na tayo sa ating Community/Fan Page account kung saan malaya ang bawat isa na magsulat sa kanyang mga idea at opinion. Naniwala ako na sa isang taon nating pagsasama naipakita natin dito ang paggalang ng kanya-kanyang opinion, ang  pagkakaisa sa isang hangarin, ang pakipaglaban para sa katotohanan, pagiging patas at para sa hustisya. May tiwala ako sa inyong lahat na kung nandon na tayo sa bagong bahay natin, nandon man or wala ang Patnubay Riyadh, ma-maintain pa rin natin ang ganitong environment, ang ganitong samahan.

Maari din kayong magsubmit ng mga balita sa mga kaganapan kung saang panig man kayo ng mundo para mailagay din natin sa news section ng ating website. Ganun din ang inyong mga opinion, kagalingan, talento atbp. Kaya tayo na sa bagong fb fan page natin sa url na ito http://www.facebook.com/pages/Patnubay-Online/259830960733852

Mayroon lang tayong primary rules at alam ko na hindi ito mahirap sundin ..

  1. Observe the 8 Guiding Principles (Truth, Fairness, Justice, Transparency, Accountability, Good Governance, Honesty and Integrity)
  2. Avoid stereotyping against religion, gender or race.
  3. Rules and Guidelines

Mayroon pa tayong dalawang araw, at kung sino man ang gustong magsave ng mga photos at notes natin.. maari nyo ng umpsihan yan ngayon.

Ang kailangan natin ay yong katulad nyo, kayo na hindi gutom sa popularidad at atensyon, hindi hangal sa kapangyarihan, hindi sakim sa pera at hindi isip bulok na politiko. Maniwala kayo mas marami ang mga katulad nyo na may prinsipyo at paninindigan.  Hanapin nyo sila; sa kanila tayo makipag-isa. Nasa tabi-tabi lang sila naghihintay sa atin at hinahanap rin nila tayo. Tayo na sa bagong bahay, hihintayin kayo namin doon.

Mag-ingat: Marami ang gumagamit ng mga salitang demokrasya, human rights, pagkakaisa, ang inyong lingkod. Ang nakakatawa ay ang kadalasan na gumamit nito ay yong mga taong hindi karapatdapat, mga abusado, kulang sa pansin,  huwad, kunwari, gutom sa kapangyarihan, gustong magpolitiko,  sakim sa pera at atensyon. Madali nyo silang makilala. Kaya kung sakali may maligaw man na mga ganitong tao sa ating bahay (kahit sa isipan at salita lang nila), we will kick them out. Bigyan na natin ng tuldok ang kanilang paghari-harian sa ating bayan!

Kaya natin ito kapwa Pilipino, mas marami tayong mga mabubuting tao. Kailangan lang nating magkaka-isa!

God bless us all and God bless Philippines

Patnubay Online

PS: Despite of all our success sa pagpalaganap ng servant leadership sa halos sampung taon. Kahit ang patnubay.com ay nasimulan natin noong 2005 pa..Trial period pa lamang ang lahat na yan. Ang simula ay sa January 1, 2012… Maghawak kamay tayo sa bagong pamamaraan ng rebolusyon. Hindi tayo maaring mag-fail kung masunod lang ang lahat ng nakasulat sa taas.  Yan ang HAGIT para sa ating lahat!

 

Share this: