Timeline 2005 – 2020: Ang Philhealth at ang mga OFW

Share this:

(Excerpts from Patnubay’s previous articles about Philhealth)

Hindi nakakalimot ang mga OFW kung kailan nagsimula ang sapilitang pagpapabayad ng Philhealth sa kanila.

Bago mag-2005, wala namang sapilitang bayarin sa Philhealth dahil ang medical care ng mga OFW ay kasama sa mga benepisyo ng OWWA. Pero noong 2004, inilipat ng OWWA ang 530-million peso fund para sa Medicare ng OFW sa Philhealth.

Ang naturang pondo ay ginamit sa pagpaprint ng Philheath cards na may mukha ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo (PGMA) na syang ipinamahagi sa mga botante sa panahon ng presidential election. Nanalo si PGMA.

Noong 2005 pormal nang inilipat ng OWWA ang Medicare fund sa Philhealth na nakatanggap ng dagdag na 230 million pesos mula sa OWWA. Ang presidente ng Philhealth na si Franciso Duque ay naging Secretary ng Department of Health.

Sa parehong taon, sapilitan nang pinagbabayad ang mga OFW ng 1200 pesos sa Philheath, at iba pang bayarin para PAG-IBIG at SSS, kasama sa USD 25 ng OWWA bago makakuha ng OEC.

Kaya GALIT ang mga OFW. Noong taong 2010, natalo ang manok ni PGMA sa presidential election. Magaling pa naman sana si Gibo Teodoro.

Si PNoy ang nanalo. Pero pagka-upo pa lamang ba ay nagawa na agad ang batas na gawing 2400 pesos ang babayaran ng mga OFW sa Philhealth at yun ay mandatory! Kabilang ng PAG-IBIG, SSS at OWWA bago makakuha ng OEC. Pumasok pa ang laglag-bala, bukas-OFW cargo at 550 airport terminal fee.

Sumilakbo ang galit ng mga OFW. Kaya noong 2016, natalo ang manok ni PNoy. Ang galit ng mga OFW sa mga ‘dilawang’ politiko ay hindi pa rin napapawi hanggang ngayon.

Taon 2019, kailangan nang mapagkukunan ng pondo ang Philhealth. Nisabatas ang Universal Health Coverage (UHC) law.

Sa batas na ito, ang mga OFW ang pipilitin nilang magbayad nang malaki! Ginawa ang batas nang walang konsultasyon sa hanay ng mga OFW. Binalangkas nila ang UHC law na sila-sila lang. Ang resulta: pagbayarin ang mga OFW ng napakalaking contribution na base sa salary nila.

Kaya hindi na kinonsulta ang mga OFW dahil noong taon 2011 kinontra nila mga OFW ang pagtaaas ng Philhealth contribution na gawing 2400 pesos mula sa 1200 pesos na sapilitan din nilang in-apply sa mga OFW noong 2005. Siniguro nila sa paggawa ng UHC na hindi na makapalag pa ang mga OFW.

Taon 2019, atat na atat na ang Philhealth na makakasingil sa mga OFW kaya naggawa ang Implementing Rules and Regulations (IRR) noong Oktubre 2019.

Nakasaad sa IRR na sapilitang masingil ang mga OFW bago makaalis ng Pilipinas. Kung hindi magbabayad ang isang OFW sa Philheath ay walang Overseas Employment Certificate (OEC).

Sa madaling salita hindi makakalabas ng Pilipinas at hindi makakabalik sa kani-kanilang trabaho abroad! Sinisiguro nilang magbabayad ang mga OFW.

Pero hindi pa pumayag ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA). Ang siste, wala na talagang pondo ang Philheath. Naubos ang tubig sa balon!

April 2020 – Naniningil ang Philhealth sa mga OFW kahit kalagitnaan ng pandemya sa covid19. Akala nila walang kakayahan ang mga OFW na lumaban habang gipit sa krisis. Kaso, nagkamali ang Philhealth. Umangal ang mga OFW.

Sa gitna ng isang pandaigdigang krisis, nakakabingi ang ingay ng mga OFW. Kaya para ‘tumahan’ pansamantala ang mga OFW, inayos agad ng mga mambabatas at pinagsabihan ang Philheallth. Hindi umano makatarungan na maningil ang Philhealth sa kalagitnaan ng krisis.

Kaya ipagpaliban muna at singilin na lang ang mga OFW pagkatapos ng krisis. Nauunawaan daw ng mga mambabatas na walang pambayad ang mga OFW sa panahon ng pandemya. Pero dapat pababayarin pa rin dahil wala nang pagkukunan pa ng pondo ang Philheath.

Ang totoo, walang kahit isang mambatas ang nakakaintindi sa sigaw ng mga OFW.

Ang sigaw ng mga OFW ay tanggalin sa UHC Law, ang salitang “migrant workers” as Direct Contributors sa section 4-F na dapat magbabayad kami ng sobrang laki na salary-based contribution na nakasaad sa Section 10 ng parehong batas.

HINDI KAMI MAGBABAYAD DAHIL WALA KAMING PAMBAYAD NANG GANYAN KALAKI!

IBALIK NINYO SA 2,400 AT PAPAYAG NA LANG KAMI.

SA SUSUNOD NA GAGAWA KAYO NG BATAS NA MAY KINALAMAN SA OFW, KUMONSULTA KAYO SA MGA OFW!

Mayo 4, 2020 – Nag-utos si Pangulong Duterte sa Philhealth na isuspendi ang pagsingil ng mataas na halaga sa mga OFW at hindi mandatory ang pagpapabayad ng Philhealth contribution. Pero nilinaw ito ni SPOX Roque na ang suspension ng pagsingil at voluntary na pagbabayad ay habang sa panahon ng pandemic lamang.

Hunyo 11, 2020 – Naningil ulit ang Philhealth sa mga OFW na kahit magbabayad na lang muna ng 2400 pesos at buohin na lang ang kulang sa loob ng isang taon. Wala na kasi daw pondo ang Philhealth at ang sinabing 154 bilyon pesos na nawala ay hindi pa nila matrace kung nasaan na.

Hulyo 23, 2020- Nagresign ang Anti-fraud Legal Officer ng Philhealth.

Sa kanyang resignation letter, isiniwalat niya ang matinding coruption ng ahensiya, at ang kanyang pagkontra sa unconstitutional na pagpapabayad ng Philhealth sa mga OFW.

Agosto 2020 – Nagkaroon ng imbestigasyon ang House of Representatives at ang Senado sa isiniwalat na korapsyon sa Philhealth. May sarili din na imbestigasyon ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

Malinaw na lumabas sa mga imbestigasyon, ang mga kapalpakan at katiwalian sa Philhealth. Napakalinaw din na ang dahilan kaya pursigido ang Philhealth na makasingil nang malaki sa mga OFW ay dahil wala na silang pondo. Nanakaw na lahat!

Mahalaga din dapat, na lalabas sana sa imbestigasyon kung sino ang mambabatas na naglagay ng salitang “migrant workers” as Direct Contributors sa section 4-F ng UHC law, na nakasaad naman sa Section 10 na dapat magbabayad ng sobrang laki na salary-based contribution. Siguradong konektado siya sa mga corrupt na opisyales ng Philhealth.

Agosto 18, 2020 – inaprubahan ng joint panel ng House of Representatives na amyendahan ang UHC law at tanggalin ang migant workers bilang Direct Contributors.

Dapat lang, wala na talagang gana ang karamihang OFW, na magbayad pa sa Philhealth kahit ibabalik pa ang singil sa 2400 pesos.

Sobrang-sobra na ang naiambag ng mga OFW bilang tagapagligtas sa ekonomiya ng ating bansa. Maling-mali na kami pa ang sapilitang pababayarin nang malaki dahil ubos na ang pondo ng isang ahensiya, dahil nanakaw na!

Magdasal tayo. Parusahan sana ng ating Dakilang Tagapaglikha ang lahat ng nang-aapi sa ating mga OFW at ating mga pamilya!

Related Links and Articles

Share this: