Ngayong araw nagpalabas ng circular ang Philhealth na patuloy ang kanilang pag-implement ng Universal Health Care Law at sinuportahan pa ito ni DOH Secretary Duque.
CNN:Duque defends PhilHealth contribution hike
Kaya, sa taon 2021, ang Premium Rate ng Philhealth ay maging 3.5 percent na, ang Income Ceiling ay 70,000 Pesos at ang babayaran na ng isang OFW ay magmula sa 4,200 Pesos hanggang sa 29,400 Pesos.
Patuloy itong tataas taon-taon hanggang 2024.
Sa 2024, sa 2025 at sa mga susunod pa na mga taon, ang Premium Rate ay 5 percent na at ang Income Ceiling ay 100,000 Pesos. Ang babayaran ng isang OFW sa Philhealth ay magmula sa 6,000 Pesos hanggang sa 60,000 Pesos.
Sa ngayon, pinagpaliban pa ng Philhealth ang pagpipilit sa mga OFW na magbayad dahil sa pakiusap ni Pangulong Duterte na huwag singilin ang mga OFW habang may pandemic.
Paano na kung wala nang pandemic?
Paano na kung hindi na si Pangulong Duterte ang pangulo?
Kung hindi mababago ang batas na RA11223 (Universal Health Care Act), ay kawawa tayong mga OFW at ang ating mga pamilya.
Noong Mayo 17, 2020 – Nagkaroon tayo ng Survey sa Patnubay Online FB Page kung papayag ba ang mga OFW na ibalik sa 2,400 Pesos ang yearly Philhealth Contribution natin. Marami ang papayag kaso nagbago ang isip ng karamihan nang lumabas ang isyu na may nawala na 15 Bilyon Pesos na pondo sa Philhealth.
Survey Link: https://www.facebook.com/PatnubayOnline/posts/3200692026647716
Mayroon din mga OFWs na gumawa ng petition sa change.org to “Remove Philhealth Mandatory 3% Premium Payment from OFW’s salary“. Sa ngayon ang petition na ito ay malapit na sa kalahating milyon ang bilang.
Petition Link: https://www.change.org/p/philhealth-philippine-health-insurance-corporation-change-philhealth-mandatory-3-payment-from-ofw-s-salary
Sobrang-sobra na po ang bilang ng mga OFW na nagkakaisa kontra sa sobrang laki na bayarin sa Philhealth. Kaya kami ay makikusap muli sa mga mababataas, na baguhin ang UHC law, at ibalik sa 2400 Pesos ang yearly contribution namin.
Katulad sa pagkakaroon ng Department of OFW, ganun din ka importante na marepaso ang UHC Law, ang batas na ginawa na walang konsultasyon sa hanay ng mga OFW.
Related Links and Articles
- RA11223 (Universal Health Care Act)
- Implementing Rules and Regulations (IRR) of RA112233
- Philhealth Advisory No 2019-0041
- Corruption and inefficiency in PhilHealth
- 21 SSS execs face P145-M graft complaint
- Pag-IBIG officials liable for alleged P33-M loan scam – COA
- Inilipat ng OWWA ang 530-million Peso OFW Medicare fund (2004)
- Philhealth nakatanggap ng dagdag na 230 million pesos mula sa OWWA (2005)
- Susan Ople: NGOs, OFW bloggers oppose Philhealth circular raising premiums of OFW members (2011)
- http://patnubay.org/?p=15431
- Videos: OFWs sa Saudi hindi sang-ayon 2,400 Pesos Mandatory Philhealth Contribution (2012)
- Mandatory Insurance kailangan ba ng mga OFWs sa Saudi? (2012)
- OFWs bring fight vs PhilHealth fee hike online (2012)
- OFWs LAUNCH GLOBAL WEBWIDE PROTEST TO STOP PHILHEALTH PREMIUM INCREASE (2012)
- Global OFW Voices Position Statement on Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) Circular No. 22 Series of 2011 (2012)
- NASAAN KA GINOO (Philhealth) (2012)
- Susan V. Ople: Controversy brews over PhilHealth premiums (2014)
- OFW- Mga Bayaning Inaapi at Kinukotongan ng Gobyernong Naligaw sa Tuwid na Daan (2015)
- News Videos: Taon 2019 pa lang, ipinaglalaban na tayo ni Ate Susan Ople kontra sa pagtaas ng bayarin sa Philhealth
- Babayaran ng OFW sa Philhealth sa taon 2020 maaring umabot nang 21,600 Pesos (2020)
- Saan sa UHC Law, makikita na kung hindi magbabayad ang isang OFW sa Philhealth, ay hindi ito pagbibigyan ng OEC? (2020)
- Mga OFW nababahala sa “second wave” na paniningil ng UHC – Philhealth (2020)
- Usapang UHC at Philhealth sa Twitter with Ka Jude Abarquez (2020)
- Timeline 2005 – 2020: Ang Philhealth at ang mga OFW