Today in History
January 25, 2005 – Sa araw na ito, walong taon na ang nakaraan ay nabili natin ang domain name na Patnubay.com. Gumawa tayo ng website noon para makapagbigay ng tamang impormasyon at para makapag-empower sa mga OFWs sa Saudi Arabia tungkol sa kanilang mga karapatan at kagalingan.
Noong wala pa tayong website ay nag-house to house seminars tayo para ma-educate ang mga kapwa OFWs kung papano nila ipaglaban kung sakaling magkaroon sila ng police, labor or welfare cases. Nang dumami ang mga requests, ang mga seminars natin ay sa classroom na ginanap.
Sa ating pagsusuri noon, ang pagkawalang alam sa batas at proceso sa hanay ng mga OFWs at maging sa mga tauhan ating taga-embahada, ay ang pinakaunang sanhi ng mga distress cases.
Kaya inilunsad natin ang Patnubay.com, sa kagustohan na maparating natin sa maraming OFWs, ang tamang impormasyon kung papano nila ipaglalaban ang kanilang mga karapatan at kagalingan gamit ang batas at proceso ng bansang Saudi Arabia.
Noong 2007, napag-isipan ng mga kasamahang volunteers and servant leaders na dapat magkakaroon ng sariling pangalan ang grupo kaya nabuo ang Patnubay Advocacy Group.
Patnubay Advocacy Group 2012 Achievement Report
Para malaman natin kung ano ang mga naachieve natin sa taong 2012, ireview muna natin ang ating year-end report noong 2011.
PATNUBAY 2011 YEAR-END REPORT
2012 Achievement Report
CASE HANDLING HIGHLIGHTS – Note: ang mga sumusunod ay iilan lang sa mga kasong ating hinawakan.
Kung noong 2011 ay tumanggap tayo ng isang award, sa taong 2012 mayroon naman tayong tinanggihan.
AWARD AND RECOGNITION REJECTED
Another Highlight for the year 2012 was the first anniversary of our new website (patnubay.org)
PATNUBAY ONLINE -1ST ANIVERSARY
Maraming salamat sa ating mga contributors, writers and authors sa pagbigay ng libreng impormasyon para sa mga OFWs. Maraming salamat din sa ating mga masugid na mambabasa. Kayong lahat po ang dahilan ng tagumpay ng Patnubay Online sa nakaraang taon. Sana po tuloy-tuloy po ang ating pagsusuporta at pagdadamayan sa bawat isa.
PATNUBAY ONLINE ARCHIVE Vol. 1 circa 2012 – 2013
Kung noong 2011, mayroon tayong OFW Movie na “Lawas Kan Pinabli”, sa 2012 wala pero dumarami naman ang ating mga Documentary Videos na lagpas 100 na ngayon.
DOCUMENTARY VIDEOS ( Life in Saudi Arabia)
OFW Speaks Videos
Patnubay Leaks – ito yong hindi napasama sa ating objective last year pero nakita natin na ito ay isang epektibong paraan para malaman ng karamihan ang ating pakipaglaban para sa Truth, Fairness and Justice
PATNUBAY LEAKS
Sa lahat ng ating objectives sa Language Preservation tayo naging pinaka-successful kung saan umabot ng 130 articles ang ating naisulat.
LANGUAGE PRESERVATION
PATNUBAY ONLINE LANGUAGE REPOSITORY – nasa page na ito ang lahat ng tula, balak, mga kwento at komentaryo gamit ang sarili nating mga salita.. Sana sa susunod na taon mas marami pang ibang salita ang maidagdag natin sa ating kaban..
One webpage, many languages – Ang dalawang link sa baba ay magandang basahin
Sa Servant Leadership naman, lalong lumaganap ang ating prinsipyong itinuro at lalong dumadami ang ating nakilalang mga servant leaders.
SERVANT LEADERSHIP
Sa HAGIT naman, lalong napapatibay ang ating paniniwala na hindi imposible na makamit natin ang ating hinahangad na mapabago ang Pilipinas at mapatalsik itong mga politiko at mga trapo.
HAGIT (Honest, Accountability, Good Governance, Integrity and Transparency)
- HAGIT Definition
- HAGIT Learning Materials
- HAGIT Heroes List – 2012
- News and Articles Related to HAGIT Principles
Nakilala ang patnubay dahil sa mga isinulat na reliable Articles for OFW EMPOWERMENT. Natutuwa kami sa mga OFWs at mga tauhan ng ating embahada at konsulada na nagsabi na napakarami nilang natutunan sa Patnubay. Sa taong 2012 mas marami pa tayong mga articles na isinulat para maeducate ang mga OFWs hindi lang sa Saudi Arabia kundi sa buong mundo na rin.
OFW EMPOWERMENT
Important Events in 2012 – ipinakita ng ating mga volunteers ang pagmamahal sa magulang at sa inang bayan.
KALAYAAN 2012 – Patnubay Online’s most popular event in which 12 articles were published
MOTHER’S DAY 2012 – Patnubay Online’s second most popular event in which 5 articles were published
ANDRES BONIFACIO DAY ( 1 Article and 2 Tula)
RIZAL DAY ( 1 Tula at 2 Balak )
MGA BAYANI
Reactions to National and OFW Issues
REACTIONS TO PHILHEALTH
REACTIONS TO CYBERCRIME LAW
REACTION TO CJ CORONA IMPEACHMENT
Ang Ating Sekreto
Ito ang sekreto ng Patnubay sa ilang dekada sa adbokasya. Hindi po natin ito ipinagdamot kahit kanino. Libre po ito para sa lahat. Subalit ito ay ikakatagumpay lamang para sa mga totoong tao , may puso at tutulong na walang hinangad na kahit anong hininging kapalit, walang ambisyong politika, hindi hangal sa kapangyarihan, salapi at atensyon.
Pangtapos
Maraming salamat sa lahat na nandito at sana sa nagdaang taon ay nakapagbigay tayo ng magandang aral sa inyo. Hindi po namin inilagay ang mga aral na ito para kami ay inyong hangaan kundi para lalong pagtitibayin ang inyong mga puso at isipan; na ang paggawa ng tama at ang paglingkod sa kapwa ay hindi natatangi kundi ito ay obligasyon ng bawat isa para sa bawat kapwa tao. Maraming salamat sa mga grupo or individuals na naging advocacy partners at volunteers sa mga projects ng Patnubay. Kayo po lahat ang dahilan ng ating tagumpay.
Aming dasal na tayong lahat ay nasa mabuting kalusogan hindi lang nitong bagong taon kundi sa susunod na maraming taon pa. Insha’Allah!
Drafted by: Tasio Espiritu for Patnubay Advocacy Group – January 25, 2013